• Home
  • Fresh Scoops
  • Eugene Domingo on possible project with Nora Aunor: 'Kahit action papayag ako'

Eugene Domingo on possible project with Nora Aunor: 'Kahit action papayag ako'

Eugene Domingo reveals that she has met Nora Aunor twice hopes to make a project with her.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/3/2011 8:49 AM
Eugene Domingo on possible project with Nora Aunor: 'Kahit action papayag ako'


080311-eugene_main.jpgKinumpirma ni Eugene Domingo ang balitang may plano na pagsamahin sila ng Superstar na si Nora Aunor sa isang proyekto at umaasa talaga ang magaling na komedyante na matuloy ito. Hindi ito malayong mangyari ngayong nasa bansa na ang Superstar. “Naririnig-rinig ko ‘yan, nababalitaan ko ‘yan,” ani Eugene during the press conference ng kanyang highly anticipated movie, Ang Babae Sa Septic Tank.

Kung sakaling matuloy ang project with Ate Guy, ang sagot ni Eugene, “Of course, hindi natin papalampasin na hindi gumawa [ng project kasama] ang genius na artista for me.” Balita kasing gagawa ng drama anthology si Ate Guy at kinumpirma ni Uge na may nabalitaan na siyang magiging guest siya sa isa sa mga episodes.

Self-confessed Noranian si Uge at bata pa lamang daw siya ay maraming pelikula na ni Nora ang kanyang napanood, kagaya raw ang Lollipop and Roses at Atsay.

Nagkita na raw sila ni Ate Guy dahil pinanood niya noon ang aktres sa PETA. “Nagkita na rin kami sa America pero ngayon pa lang kung saka-sakali [na] makakasama ko siya sa eksena at makikita ko ang kanyang mga mata. Kahit siguro action papayag ako [or kahit] musical with Ate Guy, why not?”

Samantala, hindi rin matatawaran ang dedikasyon ni Eugene sa kanyang trabaho dahil sa kanyang latest movie ay nahulog siya sa septic tank at naaksidente. “Tumama ‘yung likod ko, tatlong araw akong hindi nakagalaw,” kuwento ng aktres. “In fact, hanggang ngayon hindi pa siya completely healed. I think hindi na siya gagaling kasi ‘yung muscles ko na-trauma siya forever, pero nakaraos naman. Worth every pain.”

Sa mga nagtatanong kung sa totoong septic tank talaga siya naglublob, sinabi ni Eugene na nag-improvise sila ng almost realistic na septic tank. “Hindi naman tayo kukuha talaga sa totoong toilet pero ‘yung pinaghalu-halo nila doon ng kung ano-ano konti na lang parang ‘yon na ‘yon. May oil, may gulay, may mga malalambot na bagay, madulas, kung ano-ano. Pagkalubog mo siyempre maiinom-inom mo rin. Parang nasarapan ako,” pagbibiro niya. “Hindi ko na naisip kung anong lasa, basta action. Natulala ako kasi nagpalakpakan sila pagkatapos ng eksena.”