• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga asks boyfriend Paul Soriano about issue with Maja Salvador

Toni Gonzaga asks boyfriend Paul Soriano about issue with Maja Salvador

Toni goes on a no-holds barred interview with her boyfriend about being linked to Maja Salvador, the lead star of his film 'Thelma'.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/28/2011 10:19 PM
Toni Gonzaga asks boyfriend Paul Soriano about issue with Maja Salvador


082911-toni-main.jpgHindi naman nagpapigil si Toni Gonzaga kahapon na ipahayag ang kanyang pagmamahal sa kanyang boyfriend na si Paul Soriano nang mag-guest ang huli sa The Buzz.

Bago nagsimula ang interview ay nagbigay ng mensahe ang mga mahal sa buhay ni Direk Paul at naging emosyunal si Toni over this. “Na-touch ako, naiiyak ako everything they said in that VTR you are all that and more,” unang pahayag ni Toni.

Ikinuwento rin ng niya kung gaano kalalim ang relasyon nila ni Paul. “There are times that I don’t have to say anything, alam mo na kaagad. Even if when I say ‘I’m okay,’ you will not stop asking me what’s wrong because you know in your heart that I’m not okay and you will never stop making me happy ‘pag nakita mong malungkot ako. Ganyan siyang klase ng tao,” pagkwento ni Toni. “Kahit sa magulang niya, kapatid at kaibigan niya he will really drop everything to make other people happy. He always put other people’s happiness first. Bakit ba masyado kang mabait?” dagdag pa niya.

Isiniwalat din ni Toni na nang magkakilala sila ni Paul lumipas muna ang walong buwan bago talaga nagpahayag ito ng kanyang intensyon sa aktres.  

Ngunit ang pinakanakakaaliw na bahagi ng interview kahapon ay nang tanungin ni Toni si Direk ng sunud-sunod na tanong at ang sagot lamang ay yes or no. Hinaluan kasi ito ng mga kontrobersyang kinasasangkutan din ni Direk Paul kagaya ng panliligaw umano niya kay Maja Salvador, na lead actress sa pelikula niyang Thelma.  Narito ang nasabing bahagi ng interview:

Toni Gonzaga: Are you happy sa performance ni Maja sa pelikulang ito?
Paul Soriano: Yes

TG: Sa tingin mo ba happy ang mga nakatrabaho mo sa pelikulang ito bilang ikaw ang director?
PS: Yes.

TG: Have you ever cheated on me?
PS: No.

TG: Are you expecting an award after this film?
PS: Yes.

TG: Pam-best actress ba si Maja sa pelikulang ito?
PS: Yes.

TG: Niligawan mo ba si Maja?
PS: No.

TG: Nag-date ba kayo ni Maja behind my back?
PS: No.

TG: Alam mong hindi ako ma-text, would you rather text Maja than me?
PS: No.

TG: Were you upset na na-link kayo ni Maja?
PS: Yes.

TG: Bilang director, after this movie sa tingin mo ba ka-level mo na sa galing ang daddy mo?
PS: No.

TG: Takot ka pa rin ba sa daddy ko?
PS: Yes.

TG: Naiinis ka ba minsan (na kahit) sa age natin, may curfew pa rin ako?
PS: No.

TG: Sa lahat ng pagod at intriga is Thelma worth it?
PS: Yes.

TG: Sa lahat ng pagod at intriga na pinagdaanan natin am I worth it?
PS: Yes, yes, yes.