• Home
  • Fresh Scoops
  • Paul Soriano asks Toni Gonzaga when she will marry him on live TV

Paul Soriano asks Toni Gonzaga when she will marry him on live TV

The handsome director turns the tables on Toni during his interview with her on The Buzz.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/28/2011 10:42 PM
Paul Soriano asks Toni Gonzaga when she will marry him on live TV


082911-paul-main.jpgKakilig-kilig ang episode ng The Buzz nang ma-interview ni Toni Gonzaga ang kanyang boyfriend na si Paul Soriano, na director ng upcoming movie na Thelma na pinagbibidahan ni Maja Salvador at mapapanood sa mga sinehan sa  September 7. Inamin ng direktor na masaya siya at ipanagkatiwala ni Toni ang puso niya sa kanya. “When you gave me your heart four years ago, I don’t just don’t wanna listen to your heart, I wanna take good care of it. That means whatever makes you happy, makes me happy. Anything that makes you shine.”  

Hindi rin itinanggi ni Paul na sobra siyang nalungkot at naapektuhan nang mga panahong sumikat ng husto ang tambalan ni Toni at ni Sam Milby. “Sam Milby the good looking guy, who wouldn’t get jealous ‘di ba?” Ikinuwento pa niya ang isang music video na itinampok sina Toni at Sam na talagang nakaramdam siya ng matinding selos. “This was at around midnight (sign-off ng ABS-CBN) and they played this music video. I believe you guys were in love when I saw that music video,” nakangiting pagsagot niya kay Toni sa interview.

Naalala rin ni Toni ang moment na ito. “Tumawag ka sa akin at sinabi mo sa akin, ‘am I interrupting your love team? Am I a hindrance to both of you? I’m so sad, I think nakakasagabal ako sa love team n’yo.’ Ang sabi ko, ‘Hindi, Paul, you see how good of an actress I am pati ikaw napapaniwala ko?’” Ang sumunod na nakakakilig na sagot ni Direk Paul, “Sam and Toni, you guys are a very powerful love team but I believe off cam we’re a pretty good love team also.”

Sa dulo ng interview, si Toni naman ang na-corner ni Paul sa kanyang katanungan kung kailan sila magpapakasal. Ayon sa direktor, handa na siya lumagay sa tahimik, ngayong mag-30 anyos na siya sa Oktubre. Pinili ni Toni na huwag munang sagutin ang mahirap na tanong ng kanyang boyfriend.