• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion on her relationship with Piolo Pascual: 'Meron po kaming pinagdadaanan ngayon'

KC Concepcion on her relationship with Piolo Pascual: 'Meron po kaming pinagdadaanan ngayon'

The actress opens up and answers speculations about her relationship with the actor on The Buzz.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/29/2011 12:10 AM
KC Concepcion on her relationship with Piolo Pascual: 'Meron po kaming pinagdadaanan ngayon'


082911-kc-1-main.jpgNagbigay ng kanyang pahayag sa The Buzz si KC Concepcion sa mga haka-haka tungkol sa relasyon niya at ng aktor na si Piolo Pascual. Humingi ng paumanhin ang aktres, na nakapanayam lamang sa telepono nina Boy Abunda, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales dahil siya ay kasalukuyang may sakit at pinayuhan na mag-bed rest.

Diretso namang sinagot ng dalaga ang issue sa kanila ni Piolo. “Aware po ako na ilang weeks nang usap-usapan na nagkakalabuan na kaming dalawa ni PJ (nickname ni Piolo) and hanggang this week nga po balitang break na kami. Once and for all po, gusto ko pong malaman ng lahat, gaya ng unang sinabi ni PJ, hindi po kami hiwalay ni Piolo Pascual. At katulad po ng normal relationship, tulad ng relasyon ng kahit sinong tao, dumadaan po kami ni PJ sa ilang problema. And nagkataon lang po na nasa showbiz po kami kaya po siguro masyadong napapalaki ‘yung mga issue. And yes meron po kaming pinagdadaanan ngayon, pero mapag-uusapan naman po siguro at maaayos at mag-uusap po kami ‘pag nagbalik (na siya) sa Asian tour niya. So inuulit ko po na okay kami ni  PJ. Hindi po kami hiwalay ‘pag okay na po ang pakiramdam ko, kaming dalawa pa rin po ang magkasama sa Star Magic ball next week. Nung May pa lang nga po ni-reserve na niya ako bilang date niya so sana po matigil na po ‘yung issue tungkol sa amin ngayon.”

Nagsalita rin si KC hinggil sa makahulugang paliwanag ng kanyang ina na si Sharon Cuneta (read articles here) a few days ago na tila nagpapahayag nga na may problema ang relasyon nina KC at Piolo. “Totoo po ‘yung sinasabi nila na mother’s instinct talaga. Ang mga nanay hindi mo pa po sinasabi na may problema ka, alam na nila kahit wala kang sinasabi sa kanila at nagpapasalamat po ako at naiintindihan ko po siya at naiintindihan rin niya po ako. And I’m sure na kahit na sinong mommy at anak ay talagang maiintindihan lahat ng sinabi niya at ginawa niya dahil anak niya ako at mahal niya ako kaya gusto lang niya na masaya ako.”

Sinagot din ni KC ang hindi matigil-tigil na isyung may alitan daw ang mag-ina. “Ina-assure ko po kayo na okay na okay po kami ni Mama. Masaya naman po ako ‘pag nakakausap ko siya, ‘pag nakakasama ko siya. Inimbitihan nga niya po ako sa cast party ng Biggest Loser at naglambing pa nga po siya ng konting dessert, so celebration po namin ‘yon. Nagkandarapa naman po ako na magdala ng ni-request niya at kitain siya ng araw na iyon so okay kami at siguro concerned lang po siya. Again in any relationship mas ‘di normal kapag walang pinagdadaanan o ‘pag di nagkakaproblema. Mas maganda na rin po siguro kung meron tayong bagong mga matutunanan para mas mapabuti ang relasyon at nagpapasalamat din po ako sa lahat ng nagmamahal sa akin, sa amin at susubukan po talaga naming ayusin ito at pag-uusapan at maayos naman po ito,” paliwanag pa ni KC.