• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Julia Montes relate that they used to lack self-confidence

Kathryn Bernardo and Julia Montes relate that they used to lack self-confidence

Before they became two of today's hottest teen stars, Kathryn Bernardo ang Julia Montes admits that they had low self-esteem.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/28/2011 10:58 PM
Kathryn Bernardo and Julia Montes relate that they used to lack self-confidence


082911-katjulia-1-main.jpgSa The Buzz nitong Linggo ay inamin ng dalawa sa pinakasikat na young actresses ngayon na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes na nagkaroon ng time na nawalan sila ng tiwala sa kanilang mga sarili.  “Lalo na nung wala pa ‘yung Mara Clara parang ang self-esteem ko talaga ‘di ganon (kataas), ‘di ako ganun ka-confident,” pagbabahagi pa ni Kathryn. Pero dagdag ng young star na hindi naman dahil sumikat na sila ay magaling na sila. “Nadagdagan lang po ‘yung self-confidence siguro,” paglilinaw niya.

Umamin din si Julia na nanliliit siya noon sa sarili lalo na kapag ikinukumpara niya ang kanyang sarili sa iba.  “Hindi po maiwasan na iko-compare… ako mahilig ako sa kunwari, kinakabahan ako dahil mas maganda siya sa akin,’ parang ganon. Talagang wala po ‘yung confidence sa sarili ko.”

Sinabi naman ng leading men ng dalawang aktres sa TV series na Growing Up na sina Diego Loyzaga at Daniel Padilla na may mga pinagdadaanan din sila pagdating sa mga relasyon nila sa kanilang mga magulang.

Nilinaw ni Diego ang isang interview ng kanyang ina na si Teresa Loyzaga, kung saan sinabi daw nito na pasaway si Diego dahil nagpupunta ito sa mall instead of going to school. “Hindi po ako pasaway. Hindi po (ako pumupunta ng mall), after school po yan, pero late na ako umuuwi.”

Kinlaro naman ni Daniel ang sinabi ng kanyang nanay na si Karla Estrada na hindi raw nagseseryoso ang binatang aktor sa kanyang mga naging relasyon. “Si Mama po nagsasabi na huwag munang magseryoso muna, eh,” pambibisto niya. Pero nilinaw niya na sineryoso niya ang tatlong dating girlfriend niya.  

Pahayag naman ng The Buzz hosts na sina Charlene Gonzalez-Muhlach at Toni Gonzaga na normal lang naman sa edad nila ang magkaroon ng mga insecurities bilang mga teenagers.