• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Julia Montes are okay with having suitors but not boyfriends for now

Kathryn Bernardo and Julia Montes are okay with having suitors but not boyfriends for now

Kathryn Bernardo and Julia Montes say that there is no need to rush love.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/26/2011 8:44 AM
Kathryn Bernardo and Julia Montes are okay with having suitors but not boyfriends for now


082611-katjulia_main.jpgSa recent press conference ng Growing Up, tinanong ang mga bida na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes tungkol sa usaping pag-ibig. Nang tanungin si Julia kung nakaranas na siya ng heartbreak, ang sagot niya, “Hindi naman siguro heartbreak siguro ‘yung nagka-crush tapos hindi ka crush ng crush mo siguro ganon lang.” Sinundot din ito ng tanong kung nagkikita pa sila ni Enchong Dee na naunang napabalita na boyfriend niya. “Hindi po kasi lahat ng ShoutOut teammates medyo busy na. May mga sari-sarili nang [ginagawa] hindi na rin nakakapag hang out.”

Naitanong din ng Push.com.ph sa dalawa kung natatakot ba silang umibig or excited na maranasan ito. “Ako kasi parang marami na rin akong napagdaanan sa family ko so ayoko na ring masaktan,” tugon ni Julia. “Siguro kaya medyo careful kaya ‘di ko [minadali] kasi ‘yung iba ang aga-aga nabubuntis ‘di ba? Pero siguro ‘yun nga ayoko ring masaktan talagang ie-enjoy ko muna ang teenage life na walang love life.”

Sinang-ayunan naman ito ni Kathryn. “Para [pareho] lang kaming ni Julia na gusto namin walang boyfriend muna. Hindi ‘yung basta-basta masasabi mo lang na may BF ka. Gusto po namin seryoso talaga at the right age.”

Napagkatuwaan ding itanong sa dalawang batang aktres kung sakaling pareho silang umibig sa iisang lalaki. Natawa muna sila bago sumagot. Sinabi nila na mas pipiliin nilang iwan na lang ang lalaki at maghanap na lang siya ng iba. “Kasi parang lalaki lang siya, eh,” paliwanag ni Julia. “Kumbaga ‘yung friendship namin andun na forever ‘yung guy mawawala ‘yon.”

Sa tanong naman kung strikto ang kanilang mga magulang pagdating sa pagpapaligaw, ang sagot ng 16-anyos na si Julia. “Strict din siyempre iniingatan nila kami babae kami. Ako lalo na ako kasi ako lang ang babae sa family namin na magkakapatid. Pero pinapabayaan naman nila akong mag-decide, kumbaga kelangan ko na ring mag-decide sa sarili ko kasi darating ang ‘yung point na ako ang magdedesisyon sa sarili ko.

Ang sabi naman ng 15-anyos na si Kathryn, “Sa akin hindi po mawawala ‘yung strict ‘yung parents ko po pero si Mama kasi parang may trust na rin siya sa akin. Open siya sa manliligaw, basta legal, alam niya pero huwag muna sasagutin. Ako rin open pero maghihintay muna sila na at the right time.”