Character actor, nagtaray dahil sa selos?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

8/23/2011 3:59 AM
Character actor, nagtaray dahil sa selos?


082311-blinditem.jpgSa isang party ng cast and staff ng isang serye, nagtaray ang isang character actor sa isang staff. The actor was obviously drunk. Pero ang nakakalokang kuwento, tumalak ito sa isang staffmember dahil sa selos.

Ang chika, dumating ang character actor sa party na halos sabay ng isang guwapong aktor. The whole night, magkatabi sila sa table. Nung lumalalim na ang gabi, isang gay staffmember ang jumoin sa table. Dahil bubbly ang character ng gay staffer, naaliw ang guwapong aktor at napunta dito ang atensyon nito.

Hindi na marahil nakayanan ang selos, tumayo ang character actor at minura-mura ang gay staffer. Nagulat ang lahat sa ginawa ng character actor. Walang ibinigay na paliwanag ang character actor nang tanungin ito kung bakit siya nagmura.

Imbyerna ang gay staffer, natawa na lang ito. Sabay dayalog ng, "Nagselos ang lola! Type niya kasi si Kuya (pangalan ng guwapong aktor). Doon nabuking ng lahat na ang mahusay na character actor ay isang closeta.