Zanjoe Marudo confesses he loves Bea Alonzo

The model turned actor says he has already told Bea Alonzo 'I love you.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/21/2011 11:26 PM
Zanjoe Marudo confesses he loves Bea Alonzo


082211-zanjoe-main.jpgSa pamimilit ni Toni Gonzaga sa kanyang interview kay Zanjoe Marudo sa The Buzz ay napaamin din niya ang aktor na nasabihan na niya ng “I love you” ang nililigawang si Bea Alonzo. Samantala, todo tanggi naman si Zanjoe sa isyung magkasintahan na sila ni Bea at sinabing papunta pa lamang doon ang kanilang relasyon.

Aniya maikokonsidera niyang si Bea ang kanyang best friend na babae at ang babaeng pinakamalapit sa kanyang puso. Takot siyang mawala sa buhay niya ang dalaga at si Bea ang nagbibigay sa kanya ng saya. At nakikita niya rin na gusto niyang pakasalan si Bea in the future. Hindi rin itinanggi ni Zanjoe na malapit na talaga sila ni Bea sa isa’t isa at baka anytime ay sasabihin na niya ang magandang balita na magkasintahan na sila.  

Nang itanong sa kanya ni Toni kung nasabi na ba niya kay Bea na mahal niya ito, natawa muna ang binata at sa pagpupumilit ni Toni ay tumango ito bilang pagkumpirma. Nang hingan ng reaksyon hinggil sa pahayag ni Bea dati na ang pagbibigay niya ng kanyang oo kay Zanjoe sa pagpapakasal ay depende sa laki ng bato ng singsing, ang sagot ni Zanjoe, “Matagal-tagal pa ‘yon pag-iipunan ko pa ‘yon.

Recently din ay nagkasama sina Bea at Zanjoe sa Paris, France para sa isang show. Nagtagal sila ng isang linggo doon at nagkaroon ng side-trips. At dahil sa bakasyong iyon, mag nakilala raw nila ang isa’t isa. “Marami kaming nalaman sa isat-isa. Ang sarap umikot kasi di ba, di n’yo kailangang umiwas makakagalaw kayo nang husto.

Samantala, kasama si Zanjoe sa susunod na pelikula ng Star Cinema ang Wedding Tayo, Wedding Hindi kung saan makakasama niya sina Toni Gonzaga at Eugene Domingo.