• Home
  • Fresh Scoops
  • James Yap: 'Pag mayroon na akong nililigawan o girlfriend, sasabihin ko agad'

James Yap: 'Pag mayroon na akong nililigawan o girlfriend, sasabihin ko agad'

The basketball player admits to having a hard time answering his son's questions about their family.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/21/2011 11:18 PM
James Yap: 'Pag mayroon na akong nililigawan o girlfriend, sasabihin ko agad'


082211-james-main.jpgHindi pa ready sa commitment.” Ito ang malinaw na mensahe ni James Yap nang makapanayam ang dating asawa ni Kris Aquino ng The Buzz recently. Dagdag pa ng basketbolista, aamin naman siya kapag may nakita na siyang babaeng kanyang mamahalin. “Wala pa naman sa isip ko, focus muna ko sa career ko. ‘Yun lang muna kaya nga sinasabi ko ‘pag mayroon na akong nililigawan or may girlfriend na ako, sasabihin ko agad para wala nang tsismis-tsismis.” Di naman niya itinanggi na lumalabas-labas siya kasama ang mga kaibigan.

Matatandaan na ilan sa mga na-link sa basketball player ay sina Isabel Oli at acoustic singer Marie Digby pero sinabi ng mga nasabing partido na walang katotohanan ang mga tsismis. Kung meron nga raw nagpapasaya sa kanya ngayon, ito ay walang iba kundi ang anak nila ni Kris na si Baby James.

Sinabi rin ni James na nahihirapan na raw siyang sagutin ang mga tanong ng kanyang anak pagdating sa kanilang pamilya. “Mahirap din kasi alam naman natin si Baby James lumalaki na, nakakaintindi na siya so medyo ingat lang kasi mahirap din kasi. Minsan nagtatanong, ang hirap sagutin pero kailangan talaga.”  

Iwas naman ang atleta pagdating sa mga isyu hinggil sa kanyang dating misis. Nang tanungin siya hinggil sa isyung nakapag-move on na raw si Kris mula sa kanilang paghihiwalay, ang sagot ni James, “Hindi ako nakikialam, no comment.”