• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson confirms he recently met-up with Kim Chiu for a get-together

Gerald Anderson confirms he recently met-up with Kim Chiu for a get-together

The actor was said to be spotted with the My Binondo Girl star in Eastwood.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/21/2011 11:22 PM
Gerald Anderson confirms he recently met-up with Kim Chiu for a get-together


082211-gerald-main.jpgIbinalita sa The Buzz kahapon ang pagkikita umano nina Gerald Anderson at Kim Chiu at may mga nakasaksi sa nasabing pagtatagpo ng dating magka-love team. Unang umingay ang kaganapang ito noong August 16, nang mabanggit ito ng comedienne na si K Brosas sa kanyang Twitter account. Sa nasabing tweet ni K, sinabi niya na namataan niya ang dalawang alleged former couple pero kasama ang ilang mga kaibigan. Kinumpirma naman ito ni Gerald nang ma-interview. “Totoo ‘yan nagkita kami sa Eastwood. Friendly get-together lang, nagkita kami don.

Itinanggi naman ng binata na may ibig sabihin ang nasabing pagkikita nila ni Kim. “Walang date, marami po kami, sobrang dami po namin,” paninigurado ng aktor.  

Samantala, nakapag-story con na para sa susunod na pelikula nina Gerald at Sarah Geronimo na unang nagtambal sa Catch Me…I’m In Love na lumabas earlier this year. Very happy naman ang dalawa sa kanilang reunion movie. Optimistic din si Gerald na mas lumalim pa ang kanilang relasyon ni Sarah bilang magkatrabaho at magkaibigan. Naiulat din na nakapagpalitan na umano ng cell phone numbers ang dalawa. “Sana mas lumalim ‘yung pagsasama namin. Magsa-start na po kami ng bagong movie, matagal ‘yung panahon na magkasama kami,” ani Gerald.

Pati ang Pop Star Princess ay positibo rin sa pagbabalik-tambalan nila ni Gerald. Sinabi nito na mas comfortable na sila sa isa't isa ng aktor.