Ai-Ai delas Alas: 'Better friend, worst lover.'

The Comedy Concert Queen shares what kind of friend she is.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/21/2011 11:13 PM
Ai-Ai delas Alas: 'Better friend, worst lover.'


082211-aiai-main.jpgSa kanyang interview sa The Buzz, sinabi ni Ai-Ai delas Alas na gusto niyang mag-iwan ng magandang alaala sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan habang siya ay nabubuhay pa. “Ang pananaw ko sa buhay gusto kong maging mabait (para) ‘pag nawala na ako sa mundo kunyari pumunta sila sa wake ko ‘pag tumingin silang ganyan iiyak sila. Hindi ‘yung pupunta sila mumura-murahin ako, ‘Yan pinahirapan ako n’yan.’ Gusto ko ‘pag humarap ako sa Diyos alam Niya naging mabuting tao ako sa lupa kaya straight ako sa heaven,” patawa niyang kuwento.

Dagdag pa niya tungkol sa pagkakaibigan, kapag nakipagkaibigan siya ay ibibigay niya ang lahat para lamang sa taong ito. “Sobra akong makipagkaibigan, minsan blinded na ako. ‘Pag kaibigan ako, loyal ako sa ‘yo masama ka man, mabuti ka man, tatanggapin kita kasi ganun ako, gusto ko ganun ka rin sa akin.” Sa tanong kung siya ay mas mabuting kaibigan o mas mabuting lover, sagot ng Comedy Queen, “Friend. I’m a worst lover.” Nang idagdag ng The Buzz host na si Charlene na kawawa naman ang inspirasyon ni Ai-Ai, ang banat ng komedyante, “Eh wala naman ngayon.

Ibinahagi rin ni Ai-Ai ang masakit na karanasan niya mula sa isang itinuring na kaibigan. “Ayoko ‘yung pinagbibintangan ako na ‘di ko naman ginagawa. ‘Yung pinagbintangan niya ako tungkol sa pera na mukha daw akong pera. Never akong naging ganon.”

Ani Ai-Ai matagal nang nangyari iyon pero hindi raw niya iyon malimutan dahil nasaktan daw talaga siya. Pero ipinagdasal na lang daw niya ang taong iyon. “’Di naman totoo ‘yon. Alam naman nating never naman akong ganun sa buong buhay ko kaya nga ayoko ‘yung pinagbibintahgan ako na hindi naman ako ganon.”  

Naniniwala raw si Ai-Ai na kapag ang isang tao ay mabait ay maganda ang babalik sa kanya. “Kaya mabait ako sa kanila kasi ‘yun ang babalik sa iyo, kabutihan din.” Pagdating naman sa material na bagay, sinabi ni Ai-Ai na nagawa na niyang magbigay ng kotse, phone at alahas para sa isang kaibigan. Pero wala pa raw tatalo kay Kris Aquino at Sharon Cuneta dahil pareho daw galante ang mga ito sa kanilang mga kaibigan.