• Home
  • Fresh Scoops
  • Lorna Tolentino says it was inevitable that her sons would join showbiz

Lorna Tolentino says it was inevitable that her sons would join showbiz

Lorna Tolentino says that sons Rap and Renz Fernandez are dedicated to their chosen craft.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/20/2011 8:11 PM
Lorna Tolentino says it was inevitable that her sons would join showbiz


082111-lorna_main.jpgSa pagtatapos ng Minsan Lang Kita Iibigin, sinabi ni Lorna Tolentino na mami-miss niya ang kanyang co-stars sa teleserye. “Yung pagsasama naming lahat. Lately naging four times a week na kami sa halip na three times a week kaya lang siyempre ang paggawa ng soap laging mahirap ‘pag patapos [dahil nagpapaalam na kayo]. ‘Yung gitna ‘yan ‘yung nagkakakilanlan na kayo, nagkakakuwentuhan talagang medyo relax ng konti.

Sabi pa ng aktres, break muna siya after ng nasabing teleserye. “Papahinga muna, rest muna. Siyempre ilang months rin kaming nag-work ng mahaba kaya kailangang pahinga muna.”

Happy rin si LT ngayong nagso-showbiz na ang kanyang dalawang anak na sina Rap at Renz. Aniya, hindi naman siya nagulat nang magdesisyon ang dalawang anak na sumabak sa showbiz. “Talagang dun din naman papunta ang mga anak ko.” Kuwento niya, noong bata ay paunti-unti nang lumalabas ang kanyang mga anak at nagkakaroon ng mga small roles gaya ng paggganap bilang batang Rudy Fernandez (ang kanilang ama) o kaya ay batang Mark Anthony Fernandez (anak ni Rudy kay Alma Moreno). “Alam namin ‘yun din ang patutunguhan.

Nakikita rin daw ng veteran actress sa kanyang mga anak na mas gusto ng mga bata ang kanilang ginagawa kaya’t hindi na nila kailangan pa ng maraming payo. “Actually siguro talagang mas dedicated sila. ‘Yung mga bata ngayon ‘yung passion, ‘yung fire naroon. ‘Yung fire na magkaroon sila ng achievement kaya 'di mo na kailangang sabihan, makikita mo eh. Dedicated sila, professional all the time, lahat ng katrabaho nila kilala nila ang pangalan.”  

Kaugnay nito, nilinaw rin ni LT ang isyung pagkaka-link ng kanyang anak na si Renz kay Kim Chiu. Nagtambal kasi ang dalawa dati sa isang episode ng Your Song at lumabas na lang ang mga bali-balitang pinopormahan ng binata ang aktres. “Hindi daw. Baka magalit ang mga Kim-Gerald [Anderson fans] niyan, wala naman, hindi pa,” paglilinaw ng aktres. “Sa akin naman wala namang commitment si Renz sa ngayon.”

Hindi rin daw isyu sa kanya kung showbiz or non-showbiz ang maging girlfriends ng mga anak. “Walang problema ‘yan. May mga naging girlfriends sila dati na hindi from showbiz.”