• Home
  • Fresh Scoops
  • Sikat na Actor binigyan si Singer-Actress ng mamahaling regalo!

Sikat na Actor binigyan si Singer-Actress ng mamahaling regalo!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

8/3/2011 12:00 AM
Sikat na Actor binigyan si Singer-Actress ng mamahaling regalo!


080311-blinditem.jpgWell, well, well, sa showbiz nga naman ang mga nagsasalita ng tapos, ‘di pa talaga tapos! May nakarating na balita sa amin na itong si Sikat na Actor, halos mamulubi sa kanyang recent trip dahil lang sa pagbili ng regalo sa Singer-Actress. Sa mahal daw ng regalong ito (na nakalagay sa isang maliit na box), mapapaisip ka, ano nga bang meron ang dalawa?  

Kahit ako nagulat, dahil ‘di ko akalaing ganun na sila ka-close gayung sa kanilang pelikula ay parang friends lang naman sila. Sabagay, mahirap na nga rin na maging masyadong obvious dahil parehong may projects na prinoprotektahan ang dalawa lalo pa’t dapat eh strike while the iron is hot.

Plus baka maraming magalit kay Sikat na Actor at baka sabihing for publicity lamang ito tulad ng mga na link na rin sa Singer-Actress dati! At pati kanyang mga fans eh magselos din, kawawa naman kung masabunutan si Singer-Actress! Baka naman true love na ‘to no, kaya kung totoo man na nagkakadevelopan sila, eh pagbigyan na lang natin sila ‘di ba?