• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes is overwhelmed by the success of her first movie, 'Way Back Home'

Julia Montes is overwhelmed by the success of her first movie, 'Way Back Home'

Julia Montes says her dream to make it big in showbiz has finally come true.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

8/19/2011 10:35 PM
Julia Montes is overwhelmed by the success of her first movie, 'Way Back Home'


082011-julia-main.jpgSa ginanap na premiere night ng Way Back Home, hindi napigilan ni Julia Montes ang maging emosyunal dahil sa wakas ay unti-unti ng natutupad ang kanyang pangarap na maging isang tunay na aktres. “Tears of joy yun kasi before dream ko lang makita sa movies tapos maganda pa ang naging pagtanggap ng tao, kaya ang nangyari hindi ko mapigil yung emosyon ko. Nagsabay-sabay pa yung mga magagandang nangyari sa akin kaya masaya lang talaga ako,” ani Julia sa panayam ng Push.com.ph noong gabi ding iyon.

Kung tutuusin ay malayo na rin ang narating ni Julia na dati ng napapanood sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Matagal man bago siya nabigyan ng break sa showbiz, sulit naman daw ang kanyang paghihintay sa ganda ng takbo ng career niya ngayon. “Tuwang-tuwa yung pamilya ko kasi umabot sila sa point na, ‘Itutuloy mo pa ba ‘yan? Wala ka naman break.’ Tapos ngayon na-prove ko sa kanila na, ‘Hindi, buti na lang naghintay ako at dumating ang pagkakakataong ito.’ Lahat ng hard work namin nila Kathryn (Bernardo) nagbunga talaga.”

Pero para kay Julia, masyado pang maaga para tawagin siyang young superstar gaya ng sinasabi ng marami sa mga local press. Marami pa raw siyang kailangan patunayan pagdating sa pag-arte. “Siyempre sobrang big deal para maihilera kami kina Claudine Barretto, Judy Ann Santos, Bea Alonzo at ibang sikat na artista. Pero kasi isang malaking soap at isang malaking movie pa lang ang nagagawa ko. Ayoko naman sabihin agad, tignan na lang natin. Pero yun na lang ang masasabi kong goal namin ni Kathryn.”

Handa na ba siya kung sakaling paghiwalayin ang tambalan nila ni Kathryn sa mga susunod nilang proyekto? “Kapag nangyari na yun, siyempre nakakalungkot in a way. Pero kailangan namin mag-ready kasi hindi lahat ng artista dapat lagi magkasama. Kasi paano kami mag-gru-grow as an actress kung palagi magkasama? Basta tignan na lang natin, sigurado may magandang plano ang management. Tsaka gagawin na lang namin yung best namin sa bawat project na ibibigay sa amin para hindi naman masayang yung tiwalang ibinigay sa amin.

Ikinatuwa rin ni Julia ang magandang pagtanggap ng fans sa love team nila ni Sam Concepcion sa Way Back Home.Nung una hindi ko in-expect na may chemistry kami kasi sabi ko, ‘Bagay ba tayo on screen?’ At least maganda yung kinalabasan sa movie. Hindi ko alam kung magtutuloy-tuloy ang team-up namin. Pero hopefully magka-work ulit kami kasi hindi na kami nagkakailangan, so mas mapapadali ang trabaho kung siya ulit kasama ko.”