• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson remains close to Sam Milby despite the latter being romantically linked to Kim Chiu

Gerald Anderson remains close to Sam Milby despite the latter being romantically linked to Kim Chiu

Gerald says he and Sam are very much close and don't have issues about rumors of the latter dating Kim Chiu.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/19/2011 11:08 PM
Gerald Anderson remains close to Sam Milby despite the latter being romantically linked to Kim Chiu


082011-gerald-main.jpgWala raw ilangan sa pagitan nina Gerald Anderson at Sam Milby sa pagkaka-link ng huli kay Kim Chiu, ang dating leading lady ni Gerald. “Ilang beses na ring natanong sa akin ‘yan. Labas po ako d’yan wala po akong masasabi dyan,” sagot ni Gerald sa Dermablend press conference kamakailan para sa kanilang contract renewal ni Sam bilang endorsers. “Mukha ba kaming nagkakailangan, hindi ‘di ba? We’re good friends. Kahit sa [United] States o show sa abroad kami [ni Sam] magkasama kami, magka-roommates. Marami din akong sinasabing problema, ganun din vice versa.”

Safe din ang sagot ng aktor nang tanungin sa kanyang reaksyon kung one of these days ay may ipakilala si Kim na boyfriend. “Nakapag-move on naman kami pareho ‘yun na ang sitwasyon and like I said kanina, masaya po kami sa sitwasyon. Happy ako para sa kanya ngayon.”

A few hours bago ganapin ang press conference nina Gerald for Dermablend, ginanap naman ang press conference para sa bagong teleserye ni Kim na My Binondo Girl. Ayon sa ilang reporters, nang makapanayam nila si Kim ay tila may nababanaag pang pain sa kanya sa pagkakahiwalay nila ni Gerald.

Bilang tugon, ani Gerald, “Hindi ako masyadong aware don or ‘di ko alam kung ano [ang] nangyari. Kim [is] sobrang sensitive siya talaga. Kaya siya sobrang blessed, andami niyang projects, andaming commercials, lahat ng gaps andon siya, she has a lot to be thankful for. I’ll always be there as a friend.”

Kinumpirma rin ni Gerald ang tinuran ni Kim noong Linggo sa The Buzz na hingahan pala siya ng aktres kapag may problema ito. “Tulad ng sinabi ko tanggapin na po natin na ganun na po ang sitwasyon naming dalawa. Sobrang happy niya, sobrang happy ko. Pareho po kaming busy. Friends po kami, pag may problema siya andito ako paulit-ulit ko naman pong sinasabi.