• Home
  • Fresh Scoops
  • Amy Austria on Coco Martin, Maja Salvador and Andi Eigenmann: 'Wala silang superstar attitude'

Amy Austria on Coco Martin, Maja Salvador and Andi Eigenmann: 'Wala silang superstar attitude'

The award-winning actress says her young co-stars on the show definitely know how to act.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/19/2011 9:03 PM
Amy Austria on Coco Martin, Maja Salvador and Andi Eigenmann: 'Wala silang superstar attitude'


082011-amy-main.jpgAmy Austria-Ventura shared that she has mixed emotions now that the family drama Minsan Lang Kita Iibigin has bid goodbye. “Masaya in the sense na makakapagpahinga na, makakapagrelaks na, at the same time nakakalungkot din kasi kahit hindi magkakahiwalay-hiwalay ang cast at staff, iba ‘yung may dahilan kayo para magkita-kita. Hindi lang basta trabaho kundi talagang makakapag-bonding kayo,” sabi ng aktres, na nawala din ng ilang linggo sa palabas, dahil sa isang operasyon.

Marami ring pumansin sa powerful portrayal niya sa character ni Lora Sebastiano at sinabi niyang worthwhile ang kanyang pagbabalik telebisyon dahil dito. “’Yung talagang nasa puso ko na, lalo na kasi first time din after a long while na ‘di ako lumabas tapos ngayong bumalik ako, sabi ko hindi ko ito sasayangin. Kumbaga ‘yung worth it din na bumalik.”  

Pinuri rin ni Amy ang kanyang mga batang co-stars na sina Coco Martin, Maja Salvador at Andi Eigenmann. “Talented sila, at the same time, mahal nila ang trabaho nila. Wala silang mga superstar attitude.”

Sa sobrang impressed nga niya sa kanila ay wala na raw siyang maibibigay na advice sa kanila pagdating sa acting at alam niyang lalo lang silang gagaling habang tumatanda. “When it comes to acting ‘di na kailangan (ang advice) magaling na ‘yan. Tumatanda ‘yan mas lalalim ang mga ‘yan.”  Pero inamin niyang nabibigyan niya sila ng advice pagdating sa kanilang mga personal na buhay.

Speaking of young, naitanong din kay Amy kung ano ang sikreto niya para manatiling mukhang bata kahit sa kanyang pag-edad. “Hindi lang ako bugnutin, hindi ako mareklamo. Ibig sabihin hindi ako ma-complain. I’m easy to please, at the same time meron akong peace siguro. At the same time my personal relationship with God na meron kang assurance nandyan lang siya palagi. Si Lord hindi ka niya pababayaan.”  

Ngayong tapos na ang teleserye, pahinga raw muna si Amy at hindi niya alam kung kailan siya uli gagawi ng proyekto. Ang plano raw niya ngayon ay mag-spend ng oras kasama ang asawa at pumunta ng New Zealand upang bisitahin ang kanyang anak at saka na muna niya iisipin ang kanyang pagbabalik-showbiz.