• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo does not want to assume that she is a big star already

Kathryn Bernardo does not want to assume that she is a big star already

The young actress says it's still too early to rest on her laurels.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/18/2011 9:25 AM
Kathryn Bernardo does not want to assume that she is a big star already


081811-kathrryn_main.jpgParehong naging emosyunal sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, ang mga bida ng pelikula ng Star Cinema na Way Back Home nang ganapin noong Martes, August 16, ang premiere night. Nawala daw ang kaba nila nang makita kung gaano kadami ang nagpakita ng suporta sa kanilang launching movie. Puro good reviews din ang nakuha ng pelikula mula sa mga nanonood.

Masaya kasi nakita namin sa mga scenes kinikilig din sila, naiiyak din sila,” kuwento ni Kathryn nang ma-interview after the screening. “So natutuwa kami kasi effective. So sana ‘yung mga ‘di pa nakakapanood sana magustuhan din nila.”

Dahil sa magandang review sa pelikula, inaasahang lalong kikilalanin ang dalawa bilang promising young actresses. Confident na ba sila ngayon na lalo pa silang sisikat? “Hindi pa rin po ganun ka-confident,” sagot ni Kathryn. “Siguro na-lessen din po [ang kaba] pero hindi mo pa rin masasabi ‘yon. Ayoko pong mag-assume so sana ‘yung mga tao willing silang magbayad [para mapanood ang pelikula]. Wag bibili ng fake DVDs ganyan. ‘Yun ang talagang wino-worry ko. Tingnan natin ang week na ito kung susuportahan nila.

Dahil sa phenomenal success ng kanilang pinagbidahang remake ng Mara Clara, marami ang nagsasabing sina Kathryn at Julia na ang next big stars. Dahil din sa magandang launching movie, sinasabing hindi raw ito malayong mangyari.

Pero para kay Kathryn, masyado pang maaga para mabansagan silang young superstars. “Hindi ko rin nilalagay sa ulo ko na young superstars kasi hindi naman parating kami lang. May darating [na bago]. ‘Yung sa akin po ibinibigay ko lang po ‘yung best ko sa lahat. Ayoko namang mag-expect na ako lang kasi maraming kakompitensya din. So ngayon ine-enjoy ko lang po ang blessings.”

Sa nasabing premiere night, sa lahat daw ng papuring narinig ni Kathryn, pinakagusto raw niya ang pagbati sa kanya ng ABS-CBN executives na sina Star Cinema Managing Director Malou N. Santos at ABS-CBN Entertainment Productions Head Cory Vidanes. “’Yung makita ko lang na happy po ‘yung mga boss, sina Tita Malou, Tita Cory, makita ko lang na kino-congratulate kami at umiiyak sila, ‘yun eh. Sobrang magandang prize na ‘yon. Makita ko lang ang Mara Clara family, ‘yung Growing Up family na proud na proud sila sa akin, para sa akin okay na ‘yun eh.” Ang Growing Up ay ang upcoming teen-oriented teleserye na pagbibidahan nina Kathryn at Julia soon.

Bukod din sa dalawang dalaga, umani rin ng magagandang reviews ang kanilang mga leading men sa pelikula na sina Sam Concepcion at Enrique Gil na nagpadagdag kilig sa mga manonood. “Kasi sina Enrique at Sam talaga tinutulungan ako para kiligin ang audience. Kahit na first time naming magka-love team natutuwa ako kasi kinilikig ang mga tao sa mga scenes namin, sa fish jokes namin [ni Enrique] so salamat kasi effective actors sila.