• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos refuses to get involved in any controversy with Nora Aunor

Vilma Santos refuses to get involved in any controversy with Nora Aunor

Though she is willing to do a movie with Nora Aunor, Gov. Vilma Santos says she cannot say when it will happen.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/14/2011 10:03 PM
Vilma Santos refuses to get involved in any controversy with Nora Aunor


081511-noravilma-main.jpgPinagtatapat uli ngayon ang dalawang local showbiz icons, na sina Nora Aunor at Batangas Governor Vilma Santos. For the longest time ay ginagawan ng intriga ang dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa ito natatapos. Sa gagawing pelikula ni Ate Guy na El Presidente, ginagawan ito ng intriga dahil sinasabing second choice lang daw siya dahil unang inalok ito kay Ate Vi. Ipinaliwanag ng Superstar na ayos lang sa kanya na maging second choice.

Kinumpirma naman ng Star for All Seasons sa interview ng The Buzz na totoong inalok sa kanya ang role na napunta kay Ate Guy pero hindi raw kaso kung hindi man ito napunta sa kanya. Ang nasabing role ay ang pagiging pangalawang asawa ni Emilio Aguinaldo at kinailangang tanggihan ito ni Ate Vi. “Sabi ko kelan ‘yan ang target nila, eh within the year. Ang sabi ko malabo kasi naka-commit na ako sa Star Cinema and I cannot do many films because of my commitment as a governor.”

Nakiusap din ang actress-turned-politician na huwag nang palakihin ang tungkol sa isyung ito at maging masaya na lamang sa pagbabalik-showbiz ng Superstar. “Ang hirap ng posisyon ko. Kasi ang posisyon ko damn if you do, damn if you don’t. Mayroon akong magandang sasabihin sa kumare ko pero ang sasabihin, ang plastic ko. Mayroon akong hindi magandang sasabihin, ang sama ng ugali ko. Eight years naman din natin siyang na-miss and I’m sure the movie industry is very very happy sa (pagba)balik niya. Pero para mang-intriga pa sa akin, excuse me naman (we’re) mature enough para sumakay pa.”

Iginiit din niya na wala silang tampuhan ni Ate Guy. “Huwag na n’yo kaming intrigahin,” pakiusap ni Ate Vi sa mga press people. “We’re both mature para d’yan. I’m living a very meaningful life. Napakarami kong responsibilidad and para pumatol pa sa intriga, I’m sorry po, hindi ako papatol. So I’m very happy Nora is back in the movie industry and definitely let’s all welcome her back,” pahayag pa ni Ate Vi.  

Bukas din daw siyang makasama sa pelikula si Ate Guy pero hindi raw niya alam kung kailan ito mangyayari. “Talagang wala na po panahon sa ngayon. May ilang pelikula na rin kaming nagawa before so hindi issue sa amin ‘yon.”