• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Julia Montes feel pressured to make 'Way Back Home' a box-office hit

Kathryn Bernardo and Julia Montes feel pressured to make 'Way Back Home' a box-office hit

The former Mara Clara stars admit they can't avoid having people compare them.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/14/2011 10:17 PM
Kathryn Bernardo and Julia Montes feel pressured to make 'Way Back Home' a box-office hit


081511-kat-julia-main.jpgNaging guests kahapon sa The Buzz ang apat na bida ng Way Back Home na sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Sam Concepcion at Enrique Gil. Sa panayam ni Charlene Gonzalez sa apat, naitanong niya kung ano ang opinyon ng dalawang batang aktres pagdating sa hindi matapos-tapos na pagkukumpara. Sagot ni Kathryn, “Tama nga po talaga na hindi nawawala talaga ‘yung nako-compare, ginagawan ng issue. Actually, wala talaga sa amin ni Julia. Friendly competition po, wala kaming patalbugan, more on tulungan talaga.”

Idinugtong pa ni Charlene kung matalik ba silang magkaibigan since lagi silang magkasama. “Sisters, po hindi po namin kino-consider na best friends (ang isat-isa), sisters,” paglilinaw ni Julia.

Aminado naman si Julia na malaking pressure para sa kanila ang pelikula na ipapalabas sa mga sinehan ngayon Agosto 17, Miyerkules. Aniya, successful sila sa telebisyon pero iba naman daw kasi pagdating sa pelikula. “(Magka)iba po talaga ang pressure sa TV at sa movie. Bihira lang po ‘yung mga ka-edad namin na nabibigyan ng opportunity na ganito so talagang malaking pressure. Pero nagpapasalamat po kami sa management, sa mga sumusuporta sa amin na nabigyan kami ng ganito.

Sinagot naman ni Sam ang pagkaka-link niya kay Julia na leading lady rin niya sa pelikula. Dati kasi ay may mga lumabas na balitang nasa ligawan stage na ang dalawa. “Very comfortable din around Julia kaya naging madali ang trabaho namin,” maikli niyang sagot. Gustong-gusto raw niya ang smile ni Julia na minsan daw kahit malungkot ang mga eksena ay parang naka-smile pa rin siya.

Ayon naman kay Enrique kinilig siya kay Kathryn sa kanilang mga eksena lalo na ‘yung mga part na nagtititigan sila.

Sinabi naman pareho nina Kathryn at Julia na ang mga mata ng kani-kanilang leading men ang asset nila.