• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos defends husband Ryan Agoncillo on alleged involvement with a Brazilian model

Judy Ann Santos defends husband Ryan Agoncillo on alleged involvement with a Brazilian model

The actress says she and Ryan admit their relationship is far from perfect.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/14/2011 9:58 PM
Judy Ann Santos defends husband Ryan Agoncillo on alleged involvement with a Brazilian model


081511-juday-main.jpgSa The Buzz kahapon ay tinalakay ang isyung diumano’y pagkakaroon ng problema sa relasyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Inamin ng mag-asawa na hindi perpekto ang kanilang samahan at nagkakaroon din ng mga ‘di pagkakaunawaan pero sabi ni Judai, may mabuti rin itong naidudulot. “Sa totoo lang wala namang ideal relationship lalo na sa pagiging mag-asawa,” simula ni Judai. “Sabi ko nga it’s a work in progress. Hindi siya happy package na kapag kayo nag-asawa, hindi siya happy-happy all the way, it’s not that. Paano naman kayo magiging responsableng mag-asawa at paano ninyo malalaman ang mga bagay na dapat at ‘di dapat gawin kung ‘di kayo magkakaroon ng isyu?

Sinabi rin ni Judai kung ano sa tingin niya ang posibleng makasira ng relasyon ng pagsasama ng mag-asawa. “Eh, syempre ‘pag nambabae o nanlalaki. Isa yatang malaking bagay ‘yon na kung ma-resolve man, may lamat na. Feeling ko iyon ang pinakamalaking dahilan.”

Kaugnay nito ay sinagot din ng mag-asawa ang hinggil sa isang isyu na nagsimula sa isang blind item, tungkol sa isang married TV host na nakitang ka-holding hands ang co-host nito na Brazilian model. Bandang huli ay pinangalan na ito raw ay sina Ryan at Daiana Menezes na itinanggi naman ni Ryan.  

Pagtatanggol naman ni Judy Ann, “Saksi ako na talagang kung magturingan sila barkada talaga at mahal nila ang isa’t-isa. Huwag na nating lagyan ng dahilan (baka) magkailangan sila.”

Pagpapasalamat naman ang ipinaabot ni Ryan sa kanyang misis. “Sweetheart, salamat at hindi mo pa ako sinosauli sa mga magulang ko hanggang ngayon. Magdadalawang taon mahigit salamat sa pagiging pasensyosa, maalaga at perpektong ina at asawa, so sana ‘di ka magsawa. Akong bahala pag may problema.”