• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto denies she's choosy with her ASAP song numbers just so she stands out

Angeline Quinto denies she's choosy with her ASAP song numbers just so she stands out

Angeline Quinto shares that she dreams of performing in Araneta Coliseum in the near future.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/13/2011 9:45 PM
Angeline Quinto denies she's choosy with her ASAP song numbers just so she stands out


081411-angeline_main.jpgPatuloy ang pagsikat ng kauna-unahang Star Power grand winner na si Angeline Quinto. Todo-todo kasi ang exposure na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.
 
Malaki na rin ang improvement ng looks ng singer at mayroon na rin siyang confidence. “Siguro din po sa mga na-experience ko din po sa pagkanta-kanta sa iba-ibang lugar,” paliwanag niya hinggil sa magandang pagbabago. “Sa ASAP Rocks nung una po kahit kung sino naman po kakabahan kasi ang mga kasabayan mo d’yan [magagaling]. Sobrang natutuwa din nga po kasi talagang nage-enjoy naman ako sa lahat [ng magagandang nangyayari].”

Sinagot din ni Angeline ang pagkaka-blind item niya kamakailan hinggil sa isang baguhan at sumisikat na singer ngayon na nire-require umano na matataas na kanta lang ang kanyang kakantahin sa isang musical show na kabilang siya para lagi siyang angat. “Hindi po totoo ‘yan na namimili ako [ng kanta],” depensa ni Angeline. “Unang-una po ang ASAP ang namimili ng kanta para sa mga singers kahit po sa mga dancers. Hindi po talaga ako namimili.”

Idinagdag pa ni Angeline siya pa nga minsan ang kinakabahan na baka sumablay siya sa pagbirit ng mga kanta na ipinapakanta sa kanya. “Kung tutuusin nga po may mga kantang ibinibigay sa akin na sobrang taas na pinapakiusapan ko na po na baka pwedeng pababain kasi baka ‘di ko kaya,” dagdag pa niya. “Minsan naman po may mga kanta din po na siyempre ‘di ako sanay sa mabibilis na kanta pero hindi naman po lahat ng kanta ko ay matataas. Sinusubukan ko rin na kumanta ngayon na medyo na mabibilis para hindi sabihin ng lahat na puro na lang mataas [ang kanta ko].”

Kamakailan ay naging matagumpay ang first major solo concert ni Angeline na ginawa sa SM North Edsa Skydome. “Siyempre po talagang nagpapasalamat ako talaga sa Panginoon po [at] sa lahat po ng mga taong hanggang ngayon po ay nandyan pa rin para po sumuporta sa akin.” Sa sobrang busy nga na raw niya ngayon ay hindi na niya madalas makasama ang mga kaibigan at pamilya.

Kung pinapangarap ba niyang sa susunod na concert niya ay sa Araneta Coliseum na siya mag-perform, ang humble na sagot ni Angeline,  “Opo naman pero hindi pa naman siguro sa ngayon. Darating naman po ‘yung panahon na sana po matuloy ‘yan, pangarap ko din po na magkaroon ng concert sa Araneta po.” Hindi raw ito kailangang madaliin at baguhan pa raw siya kaya okay sa kanya na maghintay pa.

Pinagpaplanuhan din daw ngayon na magkaroon ng repeat ang kanyang first solo concert dahil naging successful ito.