Angel Locsin talks about meeting Phil Younghusband in Paris

Angel Locsin said she and Phil Younghusband want to get to know each other better before committing to a relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/13/2011 9:50 PM
Angel Locsin talks about meeting Phil Younghusband in Paris


081411-angel_main.jpgSa ginanap na story conference ng gagawin niyang pelikula with John Lloyd Cruz, sinabi ni Angel Locsin na nagkasama nga sila ni Phil Younghusband sa Paris, France dahil sumunod doon ang football star. Pumunta kasi ang aktres sa City of Lights para sa screening ng kanyang pelikulang In The Name Of Love. “First time ko mag show don, puno [ng tao] nakakatuwa ang mga tao don. Akala ko nga ‘di na sila manonood kasi lumabas na ‘yung DVD ng [movie].”

Aniya, medyo naging maiksi nga lang ang bakasyon nila at kaunti lang ang kanilang nalibot. Hindi raw yun ang first time na makapunta ni Phil sa Paris pero nung magpunta raw siya doon ay di ito nakapasyal dahil may laro sila noon. Ito naman ang first time ni Angel sa Paris.

Sa ngayon daw nagsi-start na ang Azkals sa pagpa-practice at nagkakaroon sila ng laban sa iba’t ibang probinsya. “May match sila kanina sa Cagayan de Oro nanalo sila noong nakaraang araw tsaka kanina tapos I think nagpe-prepare daw sila sa isang match sa Taiwan.”

Nang tinanong kay Angel kung ano na ang estado ng kanilang relasyon, ang sagot ng dalaga, “Nahihirapan na akong humarap sa inyo. Kasi parang pare-pareho ang sinasabi ko. ‘Pag sinabi [ko] naman hindi naniniwala. Basta ako, tahimik lang ako. Gusto ko lang munang i-make sure, kilalanin [ang isa’t-sa]. Basta masaya kami.”

Naitanong din sa aktres kung hindi ba nagugulat si Phil sa atensyong ibinibigay sa namumuong relasyon nila ni Angel. Ibinida pa nga ng aktres na si Phil pa mismo ang nagsabi sa kanya na huwag masyadong alalahanin ang sinasabi ng ibang tao. “Clueless kasi siya kung bakit may issue. Hindi niya maintindihan kung bakit may isyu, hindi niya alam. Kasi hindi naman sanay na kung paano ang media,” paliwanag ni Angel. “Hindi niya alam na popular siya kasi di naman niya iniisip dati. Minsan siya na ang nagsabi sa akin kasi ako na nagpa-panic, ‘O, paano na? Baka isipin ng tao it’s just for publicity.’ Ganon, kaya as much as possible ayoko talagang pag-usapan kasi baka akala ng iba, gimik lang o ano. Syempre matalino naman siya para i-explain na bakit ko kailangang isipin ang iba kung masaya naman kami.

Sa totoo lang as much as possible ayoko talagang napag-uusapan ‘yung personal kong buhay. Wala naman siya. Pero artista [ako]. Ang hirap lang ngayon ang bawat gawin alam ng iba. Pero okay naman.

Tinanong si Angel kung magiging open ba siya na sabihin kung sakaling magkaroon ng development ang kanilang relasyon ni Phil. “Actually feeling ko nga alam na ng lahat ang nangyayari sa amin ngayon. Nagbakasyon kami don [Paris] kasi ‘di namin nagagawa dito ‘yon. Siyempre masaya na sinundan ka niya sa Paris.”