Sam Milby says his dad is getting better

The actor shares the status of his father's health.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/5/2011 8:05 AM
Sam Milby says his dad is getting better


070511-sam_main.jpgLast Saturday bumalik si Sam Milby galing sa US after the successful international screening of his movie na Forever and A Day. Na-extend ang stay ni Sam sa naturang bansa dahil na rin sa pagkakasakit ng kanyang ama na si Lloyd. “Meron siyang internal bleeding sa stool niya, he lost a lot of blood actually pero mabuti naman he’s getting a lot better now. The doctor was trying to explain there was a blood clot and im not even sure. We tried to get test results niya from the hospital but we couldn’t get it yet in 7 to 10 days.”

Masaya si Sam dahil unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng kanyang ama at nakauwi na galing ospital. “Mahina pa din he’s still weak but he’s getting better, getting better by the day. Dad I already miss you. Just keep getting better please. Take care of your health. Don’t work too hard. I know you, you’re very hard headed, you work so much sometimes you just gotta rest to get better. I miss you, I love you.”

Ipinagdiwang din ng pamilya ni Sam ang first birthday ng kanyang unang pamangkin. Nag-enjoy daw ang aktor ng sobra dahil madalang na niyang maranasan ang ganoong moments kasama ng kanyang pamilya. Kumuha daw siya ng maraming pictures and videos ng kanyang adorable na pamangkin dahil minsan lamang siya makauwi sa US.