• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz on his detractors: 'Pwede nilang i-try hanggang sa magsawa sila'

John Lloyd Cruz on his detractors: 'Pwede nilang i-try hanggang sa magsawa sila'

By being honest with one another, John Lloyd says his relationship with Shaina may not be perfect but it has grown stronger.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/31/2011 11:18 PM
John Lloyd Cruz on his detractors: 'Pwede nilang i-try hanggang sa magsawa sila'


0280111-jlc-main.jpgPatuloy ang tirada ng press sa showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao at sa iniulat sa The Buzz nitong Linggo ay diumano madalas makitang umiinom ang aktor sa mga bar kung kaya’t marami nag-iisip na baka hiwalay na sila ng kasintahan. Ang depensa naman ni John Lloyd, “Mayroon yatang binuong ahensya ang mundo para trabahuhin at huwag kaming tantanan at sirain kami ng sirain,” malaman niyang pagbibiro. “Pwede naman nilang i-try nang i-try hanggang magsawa sila.” Naaawa na nga raw siya kay Shaina dahil andami raw pagsubok sa kanilang relasyon pero tanggap naman daw nila na wala silang magagawa tungkol dito.

Gayunpaman, wala naman daw silang pagsisisi ni Shaina sa pag-amin ng kanilang relasyon sa publiko. Ayon pa kay Lloydy hindi raw importante kung ano ang sasabihin ng iba pagdating sa kanilang relasyon. “Hindi ka naman gagawa ng isang bagay base sa hindi magandang ginagawa o hindi magandang pwedeng gawin sa iyo ng isang tao. Hindi namin binabase ‘yung buhay namin base sa kanila. Medyo stupid din ‘pag hinayaan mo sila na kumbaga magpatakbo ng buhay mo,” sabi pa ng aktor sa interview ng The Buzz.

Sa pamamagitan naman daw ng open communication nila at pagtanggap sa mga bagay na wala silang kontrol, nagagawa nilang patatagin pa ang kanilang relasyon.

Ang kapatid naman ni Shaina na si Vina Morales ay very optimistic sa relasyon ng kanyang kapatid at ni Lloydy. “Mabait naman si Idan (palayaw ni John Lloyd), love ko siya, love love namin (siya),”pagtatanggol ng singer-actress. “Marami nang intrigang dumating sa buhay nila and ‘yung on-the-rocks (issues) na ‘yan, ‘di kailangang intindihin.