• Home
  • Fresh Scoops
  • Eugene Domingo explains why she wants to be called an actress rather than a comedienne

Eugene Domingo explains why she wants to be called an actress rather than a comedienne

Uge says she wants to show people that she can do more than just make people laugh.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/31/2011 9:43 PM
Eugene Domingo explains why she wants to be called an actress rather than a comedienne


0280111-eugene-main.jpgSumalang si Eugene Domingo kahapon sa The Abunda Challenge portion ng The Buzz pero iniwasan ng versatile actress ang huling tanong sa kanya ni Boy Abunda. Gayunpaman, naging entertaining pa rin ang panayam dahil sa pagiging kuwela ni Eugene.

Nang tanungin ni Boy si Eugene kung sino ang gusto niyang isama sa septic tank—in relation sa kanyang upcoming movie na Ang Babae sa Septic Tank—ang sagot ni Eugene, “Marami akong gustong ipasok sa septic tank. Huwag na tayong magpangalan kasi baka delikado. You can see also in our film, it talks about poverty. Lahat sa inyo na nagiging dahilan ng kahirapan ng mga Pilipino kahit gaano magsumikap, kahit gaano kami magbayad ng buwis dapat sa inyo, ipasok sa septic tank.”

Nang tinanong siya kung ano ang gusto niya sa apat na pagpipiliian: limpak-limpak na salapi, kagandahan at kaseksihan, successful career at masayang lovelife, sinabi ni Eugene na isa na lang ang wala siya. Meron na raw siyang salapi kahit hindi limpak-limpak. Pinaghirapan raw niya ang mas magandang pigura at hitsura niya at pinaghirapan rin ang kanyang matagumpay na career. Pagdating naman sa masayang love-life, ang nakatatawang sagot ng aktres, “Hirap na hirap ako d’yan. ‘Yan talaga ang pinagdarasal ko.”

Nagpaliwanag din ni Eugene kung bakit gusto niyang makilala bilang aktres at hindi lamang isang komedyante. “I have nothing against comedians. It’s just in the beginning, nung nagsisimula po ako, agad-agad ‘pag nakita ka ng mga tao na nagpapatawa at natawa ang mga tao, ‘Oy komedyante!’ Tapos ‘yung ganon, ‘yung kapag nakita ka na umiiyak ka na, ‘O ba’t umiiyak ka komedyante ka?’ Nakakalimita. Ibig sabihin ang akin pong training ay teatro. Hindi po kami nag-aral don na komedyante ka, dun ka. Lahat ay sinusubukan namin, from modern, contemporary, drama classics, etcetera, etcetera.

Ang gusto ko lang po ay maipakita pa sa inyo ang gusto ko pang gawin at kaya ko pang gawin, para sa inyo. At masuwerte po ako sa Ang Babae sa Septic Tank, nagkaroon po ako ng pagkakataon na maipakita ang gusto ko at kayang gawin. Kumanta pa nga ako dito (sa pelikula).”  

Pagpapatuloy pa niya, hindi lang ito para sa kanya kundi pati na rin sa iba pang beteranong artista. “Sila rin gusto rin nilang gumawa ng iba pa. ‘Yung pagbibigay ng titulo na komedyante, thank you very much. It’s not easy being a comedienne. It’s a gift and it gives me work.” Sa tinatamasa niya ngayong tagumpay, pinagsamang dugo’t pawis ito at suwerte. “Talagang napag-iwanan man sa beauty but I have those two very important things,” pagpapatawa niya.

Hindi na nakasagot si Eugene nang tanungin siya ni Boy kung anong istasyon ang pinakamahal niya sa ABS-CBN, GMA-7 at TV-5 since isa siyang freelance artist at kayang magtrabaho sa alinmang network. Pinili na lamang niya na mag-walk away na sa The Abunda Challenge.