Azkals say they are unaffected by 'gang-rape' controversy

Rather than focus on the controversies, the Azkals say they would rather focus on their games.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/31/2011 10:49 PM
Azkals say they are unaffected by 'gang-rape' controversy


0280111-azkals-main.jpgIwas ang mga nasasangkot na Azkals members sa isyung rape umano kay Amanda Coling sa recent press conference pagkatapos ng kanilang game laban sa football team mula sa Kuwait. Ang mga nasasangkot ay sina Neil Etheridge, Simon Greatwich, Jason Sabio at Anton del Rosario. Ang pahayag ni Anton, “I have no comment on anything. I mean all of that is just non-sense to me right now.” Sinabi pa ng mga manlalaro na kung sila ang tatanungin ay mas gusto nilang i-focus ang atensyon nila sa kanilang games.
Ayon pa kay James Younghusband hindi raw apektado ang grupo ng kontrobersya. Sila-sila nga mismo ay hindi nila ito pinag-uusapan. Dagdag pa ng Azkals ngayon, nauunawaan nila kung bakit iniintriga sila ngayon at ito ay dahil maingay ang kanilang pangalan. Wala raw din silang balak ngayon na labanan si Amanda pagdating sa legal na aspeto dahil wala naman daw itong demandang isinasampa sa kanila.

Samantala, ibinuko ng ilang miyembro ng Azkals na talagang may gusto ang kanilang kagrupo na si Paulo Pascual kay Jessy Mendiola pero ayaw raw nilang makialam dito dahil alam nilang mas gugustuhin ni Paulo na gawing pribado ang kanyang personal life.