Andi Eigenmann says she has no plans of quitting showbiz

The controversial actress thanks her fans for their unwavering support despite her current condition.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/31/2011 11:51 PM
Andi Eigenmann says she has no plans of quitting showbiz


0280111-andigirl-main.jpg“Okay naman po ako,” ito ang positibong sagot ni Andi Eigenmann nang makapanayam siya ng The Buzz sa recent Cinemalaya event na dinaluhan niya para suportahan ang indie movie ng amang si Mark Gil.

Sa tanong kung ang dahilan ng kanyang pagiging maganda ay dahil expectant mom siya, ang kanyang maiksing sagot ay, “I guess so.” Kinumpirma rin niya na nakapagpa-ultrasound na siya pero wala pang naiisip na pangalan para sa anak na lima at kalahating buwan nang nasa sinapupunan.

Ayon kay Andi ay patuloy ang kanyang pagti-taping para sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin na nasa huling tatlong linggo na nito. “Ngayon lahat kami busy at sobrang extra work kasi magtatapos na ‘yung teleserye pero mas bumibigat pa ngayon kaya mas marami pang exciting (na mangyayari). It’s meeting its end,” pahayag niya.

Hindi naman daw siya nahihirapan kahit na buntis siya dahil todo-alaga sa kanya ang staff ng teleserye. “They make sure that I’m comfortable doing everything that they need me to do. Ako naman po ‘yung effort ibinabalik ko naman po sa kanila.”

Nang matanong kung ano ang plano niya pagkatapos manganak, ang sagot ni Andi, “Subukan ko pong bumalik as soon as I can. I did not enter showbiz for any other reason than dahil gusto kong maging magaling na aktres, kaya ipagpapatuloy ko ‘yon at walang makakapagpigil sa akin.

Sobrang thankful naman si Andi sa pagtuloy at walang sawang pagsuporta sa kanya ng kanyang mga tagahanga sa kabila ng mga nangyari sa kanya.