• Home
  • Fresh Scoops
  • Two housemaids file abuse complaints against Maricel Soriano

Two housemaids file abuse complaints against Maricel Soriano

The veteran star is said to have allegedly kicked one of her maids and has threatened to shoot her with a gun.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/3/2011 11:52 PM
Two housemaids file abuse complaints against Maricel Soriano


070411-maricel-main.jpgKontrobersyal ngayon ang isyung verbal ang physical abuse diumano ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa kanyang mga katulong na sina May Cachuela, 22 at Camille Acojedo, 18.

Noong July 1 ay nakapanayam ng The Buzz ang dalawang katulong na dumulog sa mga awtoridad upang humingi ng tulong. Sa pamamagitan ng programa ng broadcast journalist na si Mon Tulfo ay tinulungan ang dalawang katulong sa kanilang panawagan.

Sina May at Camille ay mga taga-probinsya at na-recruit ng personal assistant ni Maricel na si Inday Castillo. Sinabi ng dalawang katulong na mabait naman si Maricel bilang amo noong nagumpisa silang manilbihan dito. Pero dumating umano sa punto na lagi silang minumura ng aktres.

Bawat pasok ho doon naging mura ang abot,” ani May sa The Buzz. “Nagmumura, kahit nagpapaabot po siya, nagmumura siya. Si Ma’am (Maricel) ho ayaw niya ‘yung konting mangatwiran kami, gusto niya ho, lagi ho siyang tama. Siya lagi ang pakikinggan.”

Ikinuwento ni Camille na matindi raw umano ang naranasan nila sa aktres dahil sa kanyang pagmumura. “Hindi po namin masikmura ‘yung pagmumura niya talagang ipapamukha niya pa kung gaano kalutong, kasi po parang ipinapakain niya sa amin ‘yung mura niya, eh.” May mga pagkakataon din umano na hindi na sila makakain nang maayos dahil sa kakaasikaso sa aktres at sa kanyang bahay.  

Naganap daw ang pananakit kay May noong June 29. “May recording daw ho kasi sya, so nag-aayos ho kami ng mga gamit niya. Ako taga-ayos ng gamit niya, may hinahanap po siyang ano, mga kulay yellow, so hindi ko ho alam na bitbit na ng isang katulong namin. Tapos may hinanap naman po siya, bilog na ano, pang make-up, ‘di namin mahanap. So ‘yon nagwala na ho siya, nagmumura, sabi niya papatayin ko kayo. Nung hiningi niya ‘yung cigarette case niya, ‘Abot mo sakin ‘yung cigarette case ko,’ sabi niya sa akin… tapos po ‘yung inabot ko ho ‘yung cigarette case niya, umiiyak po ako kasi ‘di ko mapigilan.

Nung ibinigay raw niya ang hinihingi ng aktres ay sinipa na raw siya ng aktres.  Nakiusap daw siya sa aktres na itigil ang pagsipa sa kanya pero galit na sumagot lang si Maricel. “Sabi niya, ‘Iiyak ka pa? Magpa-medical ka kung gusto mo, hindi ako natatakot sa ‘yo. Magdemanda ka, sige magdemanda ka, marami akong pera! ‘di mo ko kaya.’”

Nagbanta raw ang aktres na babarilin siya at kukunin ang baril. Pinuntahan daw siya ng anak ni Maricel na si Tien at niyakap ang katulong. Nakiusap raw ito sa ina na huwag saktan si May at sinabi pang siya na lamang ang saktan nito. Matapos raw nito ay umalis na si Maricel dahil nagmamadali siya.

Pagdating raw ang ika-10 ng gabi ay ipinatawag muli sila ni Maricel at dito raw ay minura-mura muli sila at hinamon pa sila na magdemanda sila at tinawag umano silang hampas-lupa at nanginginig daw ang mga katulong dahil hindi nila alam ang gagawin nila.

Nagdesisyon umano ang dalawa na tumakas at nakiusap sa security sa lobby na itago sila. Nalaman umano ni Maricel ang pagtakas ng dalawa at tumawag ito sa administration ng nasabing building at pinapabalik ang dalawa.

Samantala, tinawagan naman umano nina May ang driver ni Maricel at pinakiusapan na tawagan niya ang anak ni Maricel na si Tien upang pumirma ng clearance nila upang makaalis na. Pinirmahan naman umano ni Tien kaya nakaalis na sila.

Sinabi pa ni May na binabaligtad daw sila ngayon at sinabi ni Inday, ang personal assistant ni Maricel, na inaakusahan umano sila na kinakalkal ang gamit ng aktres. Pero katuwiran ni May, walang nakuhang gamit sa kanila ang security ng building nang kinapkapan sila.

Idinagdag pa ni May na marami na raw kasambahay ang napag-alamang sinaktan umano ng aktres at binanlian pa raw ng mainit na