• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez is now committed to a Brazilian businessman?

Ruffa Gutierrez is now committed to a Brazilian businessman?

The TV host insists that she is single, amidst persistent rumors that she has a romantic relationship with a Brazilian businessman.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/3/2011 11:35 PM
Ruffa Gutierrez is now committed to a Brazilian businessman?


070411-ruffa-main.jpgPatuloy man ang pagtanggi ni Ruffa Gutierrez, ‘di pa rin matigil ang ingay na totoong may love-life na siya. Sa The Buzz nitong Sunday ay ipinakita ang mga ebidensya, kabilang na ang mga larawan na magpapatunay na diumano’y nagkakamabutihan na ngayon ang TV host-actress at ang isang Brazilian businessman na si Eduardo Puertas.

Isa sa mga ipinakita sa The Buzz ay ang kuhang larawan ng dalawa noong May 28 sa silver wedding anniversary nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado. Nung nag-concert din sa bansa si Miley Cyrus noong June 17 ay nakita ring magkasama ang dalawa. Subalit ang pinakamatibay sigurong ebidensiya ay ang larawang naka-post sa blogsite ng sikat na fashion designer na si Rajo Laurel, kaibigan ni Ruffa, during the birthday party ni Ruffa sa Singapore noong June 24. Nasa likod kasi ni Ruffa si Eduaro na halos hinahawakan pa ang kamay ng actress-TV host. Ang caption pa ng nasabing larawan, “Ruffa’s main squeez, Eduardo.” Ang ibig sabihin ng main squeeze ay romantic partner.

Noong June 30 naman, ginanap ni Ruffa ang kanyang 80s prom-queen-themed na birthday party kung saan namataan ding dumalo si Eduardo. Subalit sa interview sa kanya during the party, todo deny ang aktres na committed na siya. “Sa pagiging single ko siguro binubuhos ko ‘yung panahon ko sa trabaho,” paliwanag ni Ruffa. “I try to do things na makakabuti para sa akin. I spend time with my kids, friends, my work. I’m just really happy right now. I surround myself with good people.” Idinagdag pa ni Ruffa na kung “legally single” na siya ay tsaka na niya iisipin ang para sa kanyang sarili.

Samantala, sa interview naman sa nanay niya na si Annabelle Rama ay sinabi niya na boto siya kay Eduardo para kay Ruffa dahil mabait naman ang businessman. Ang tugon naman ni Ruffa rito, “Ganon, boto siya? Eh siguro naman ‘yung mga pinapakilala ko may mommy mababait talaga, but now I want to take baby steps, ayokong magmadali.”