• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin asks Luis Manzano for respect on her Twitter account

Angel Locsin asks Luis Manzano for respect on her Twitter account

Though they expressed their emotions on their Twitter accounts, Angel Locsin and Luis Manzano refuse to talk about their recent rift.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/3/2011 11:39 PM
Angel Locsin asks Luis Manzano for respect on her Twitter account


070411-angel-main.jpgMuli na namang nabuksan ang nakaraan nina Angel Locsin at Luis Manzano sanhi ng tweet ni Angel Locsin sa kanyang Twitter account noong Hulyo 1, Biyernes, na tila nagpaparinig ang aktres sa kanyang dating boyfriend na si Luis.

“Dear ex, stop texting, stalking & fighting me if you're over na. Pinrotektahan kita pero pag di ka tumigil magsasalita na ko sa pinaggagagawa mo. Respeto pls.,” ang nakakagulat na mensahe ni Angel sa kanyang sinasabing ex-boyfriend.

Hindi man pinangalanan ni Angel, inisip agad ng marami na ang tinutukoy niya ay si Luis. Nagkaroon naman ito ng kumpirmasyon nang sumagot naman si Luis sa kanyang Twitter account, na humihingi ng paumanhin sa aktres. Anim na oras ang makalipas mula nang mag-tweet si Angel, sumagot si Luis ng ganito, “with the harsh words i said earlier, im sorry, hope we let bygones be bygones, we have moved on but sorry sa sinabi ko kanina.

Sinikap ng The Buzz na kunin ang reaksyon ni Angel tungkol dito pero mas pinili ng aktres ang manahimik na lamang.

Gayundin ang ginawa ni Luis nang puntahan siya ng The Buzz team sa Entertainment Live noong Sabado, kung saan siya host. Sa mga tanong na ibinato sa kanya ay tikom lang ang bibig ng binata.

Isa pang nakatawag pansin kahapon sa aktres ay ang pagpunta niya sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila upang panoorin ang laban ng team Azkals laban sa Sri Lanka. Nanalo ang Azkals, kung saan miyembro ang nanliligaw kay Angel na si Phil Younghusband.