Andi Eigenmann is not worried about her pregnancy

Via a social networking site, Andi Eigenmann says she is already secure with the love and support that her family is giving her.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/3/2011 11:45 PM
Andi Eigenmann is not worried about her pregnancy


070411-andi-main.jpgBase sa ulat ng The Buzz ay very positive si Andi Eigenmann sa kanyang buhay kahit pa pinaguusapan ngayon ang kanyang maagang pagbubuntis. Inamin kamakailan ng ina ni Andi na si Jacklyn Jose na buntis nga ang young actress pero hindi pa rin pinapangalanan kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ng kanyang anak. Ang sabi lang ng beteranang aktres hinggil sa nakabuntis sa anak, siya ay ang first boyfriend ni Andi.

Dalawa ang lumitaw na pangalan na posibleng ama ng bata, isa lamang daw ito kina Albie Casiño at Jake Ejercito.

Sa Twitter message ng ina ni Albie, sinabi nito na wala silang itinatanggi o kinukumpirma at hindi umano si Albie ang unang boyfriend ni Andi. Hindi rin daw naman sinabi ni Jaclyn kung si Albie nga ang ama. Nagpadala rin ng text message ang ina ni Albie kay Ogie Diaz at wala raw problema kung si Albie ang ama ng bata. Isa raw itong blessing at bukas raw sila na magpa-DNA test upang malaman kung ang young actor nga ang ama ng dinadala ni Andi. Sa ngayon kasi ay kayang isagawa ang DNA testing kahit hindi pa isinisilang ang sanggol. Ang tawag dito ay amnio synthesis.

Sinabi naman ni Jake, hindi siya ang first boyfriend ni Andi at ‘wag magbigay ng konklusyon sa mga naglalabasang pahayag na siya nga ang ama ng dinadala ni Andi. Si Jake ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

May lumabas ding balita na nagsasama na sa isang bubong sina Jake at Andi at sinabing handa raw niyang akuin ang dinadala ng young actress, pero sinabi ni Jake na ang mga bali-balitang ito ay walang katotohanan. Sinabi naman ng mga taong malalapit kay Andi na nakatira pa rin ang aktres sa kanyang ina.

Sinabi rin ni Andi sa kanyang Twitter na hindi umano si Jake ang kanyang first boyfriend at isa lang ang naging karelasyon niya bago sila nagsimulang lumabas ni Jake. Bago si Jake si Albie ang naging boyfriend ni Andi pero naghiwalay na sila.

All-out support naman ang pamilya ni Andi sa kanyang kalagayan. Sa panayam ng The Buzz sa nakatatandang kapatid ni Andi na si Maxine Eigenmann, sinabi niyang makakaya ni Andi ang pagsubok dahil isa siya sa mga pinakamatapang na taong kilala niya. “She has her family, my dad, her mom, ilan kaming magkakapatid, we’re all supportive about it.”

Sinabi rin ng mga taong nagmamahal kay Andi na masaya raw ang aktres sa ngayon at lumalabas minsan kasama ang mga kaibigan at kapag ipahihintulot pa ng pagkakataon ay handa nitong tapusin ang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin. Sa kanyang Facebook account, ang status pa ni Andi ay, “It just feels amazing how all of you are here for me. Just goes to say that I don’t need to worry about needing someone.”