• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola chooses to ignore hate mails from some Kimerald fans

Jessy Mendiola chooses to ignore hate mails from some Kimerald fans

Jessy Mendiola is hoping that people will support her partnership with Gerald Anderson.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/30/2011 1:23 AM
Jessy Mendiola chooses to ignore hate mails from some Kimerald fans


073011-jessy-main.jpgSa ngayon ay pinaghahandaan na ni Jessy Mendiola ang kanyang susunod na teleserye, ang Budoy kung saan makakatambal niya si Gerald Anderson. Inilarawan ng aktres si Gerald na guwapo at mabait pero sinabi nito na iba ang lalaking tipo ni Jessy. Tall, dark and handsome kasi ang gusto ni Jessy. Pero paglilinaw niya, hindi naman mahirap na maging crush si Gerald.

Dahil magkakatrabaho sila ni Gerald, tinanong ng Push.com.ph si Jessy kung posible kayang magka-develop-an sila ng aktor since pareho naman silang single, ang sagot ni Jessy, “Noong una ko talagang nakilala si Gerald parang, ‘Ay ang bait naman niya.’ Pero hindi ko pa siya nakikita as super maging kami. Ang bilis naman, wala pa ngang taping,” hirit pa niya. Inilarawan din ni Jessy si Gerald na maalaga at gentleman.

Kasabay nito, napabalitang nakakatanggap din daw ng death threats si Jessy mula sa mga tagasuporta nina Kim Chiu at Gerald. Paglilinaw ni Jessy, hindi mga death threats ang mga natatanggap niya although masasakit na salita ang ipinapadala ng ilan sa fans ng Kimerald.

“Haters,” simula ni Jessy. “Parang ine-express lang nila ‘yung nararamdaman. Walang pagbabanta pero may mga masasakit na [salita]. Parang mas magaling si ganyan o kaya mas bagay si ganito kay ganyan. Pero okay lang naman kasi siguro hindi nila matanggap ngayon na hiwalay na ‘yung love team. Pero hindi ko sinasabi na lahat sila ganon kasi may mga fans sila na uber support sila [sa tandem namin ni Gerald]. Kasi may mga accounts na nakalagay don Kimerald Global tapos, ‘Go, go, Jessy!”

Hindi na raw niya sinasagot ang mga haters para hindi na lumikha pa ng away. “’Yung iba gusto kong sagutin ‘yung mga positive. Yung mga nagsasabing you can do it, bagay kayo ganyan pero dun sa mga ayaw (sa akin), di ko na lang ipipilit.”

Sabi ni Jessy nauunawaan naman niya kung may mga di magagandang mensahe siyang natatanggap sa mga fans nina Kim at Gerald pero minsan na naaapektuhan din siya . “Wala namang threats pero syempre nasasaktan din kami sa mga words ng iba na ‘yung sinasabi nilang masasakit na hindi kayo bagay ganyan-ganyan. Tanggap ko naman talagang idol lang talaga nila ‘yung dalawa.”

Bukod pa rito, nakakaramdam din daw siya ng pressure lalo pa’t nanggaling si Gerald sa napaka-successful na team-up. “Sana ‘yung love team din namin maging okay.”