• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo is not keen on getting close to Gerald Anderson

Sarah Geronimo is not keen on getting close to Gerald Anderson

With another movie project coming up, Sarah Geronimo says that she is just happy that she has good chemistry with Gerald Anderson.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/26/2011 8:24 AM
Sarah Geronimo is not keen on getting close to Gerald Anderson


072611-sarah_main.jpgNgayon pa lang ay excited na si Sarah Geronimo sa pagsasamahang muli nila ni Gerald Anderson sa isang pelikula. Recently kasi ay lumabas na ang balitang gagawa muli sila ni Gerald ng pelikula, pagkatapos nilang magtambal sa Catch Me…I’m In Love nitong nakaraang Marso lang.

Sa interview sa Pop Star Princess noong Linggo (July 24) sa ASAP Rocks, ikinuwento niya na ipinatawag na sila ng Star Cinema para sa pinakahuling development ng proyekto. “Opo tuloy naman [na ang pelikula]. Nagpatawag na ng meeting tapos idiniscuss na ‘yung characters namin pero wala pang final na story or script,” pahayag ni Sarah at idinagdag na excited na siyang makasama muli si Gerald sa pelikula.

Nang itanong kay Sarah kung may posibilidad bang mas maging close sila ni Gerald this time, mukhang hindi ito prayoridad ng dalaga. “Okay lang naman kahit hindi kami magpalitan ng numbers,” paliwanag niya. Noong ginawa kasi nila ang Catch Me… inamin nila pareho na hindi sila umabot sa puntong magpalitan ng cellphone numbers. “Okay naman kami as co-actors, nae-enjoy naman namin ‘yung company ng isa’t-isa. Kumbaga professional kaming nagtatrabaho. Hindi naman pressure na kailangan maging close na close kami. Kasi andudun ‘yung chemistry. Kahit na wala ‘yung ganung closeness nakaka-amaze kasi hindi naman kami nagkatrabaho nang matagal.”

Bukod pa sa pelikula with Gerald, may lumabas ding balita na posibleng magsama uli sila ni John Lloyd Cruz sa pelikula for the third time at posibleng mangyari daw ito sa susunod na taon.

Kuwento pa ni Sarah excited din daw siyang muling makatambal si Lloydy. “Na-miss ko talaga ‘yung working with him,” pag-amin niya. “Kumbaga magaling talagang aktor [si John Lloyd]. Sabi ko nga alam kong andami na ring naghihintay na rin [na magsama uli kami sa pelikula], isa na ko dun kasi fan din ako nina Migui at Laida (ang mga characters nila sa dalawang movie sequels, ang A Very Special Love at You Changed My Life).”