• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor's return to the Philippines is delayed due to prior commitments

Nora Aunor's return to the Philippines is delayed due to prior commitments

The Superstar of Philippine showbiz expresses her gratitude to fans who continues to support her despite the negative issues.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/24/2011 11:47 PM
Nora Aunor's return to the Philippines is delayed  due to prior commitments


072411-nora-main.jpgSa The Buzz ay ipinakita ang interview ng US correspondent na si Monet Lu sa aktres na si Nora Aunor na diumano’y nalalapit na ang pagbabalik sa Pilipinas. Unang iniulat na magbabalik na sa Pinas ang Superstar noong Hulyo 21 pero walang Nora na dumating at sinasabi naman ngayong Agosto na siya darating.

Sa interview kay Nora, inamin niya na nasasabik na siya sa kanyang pagbabalik sa bansa. “Excited ako siyempre, unang-una makikita ko na ang mga anak ko at kapatid ko at siyempre hanggang ngayon ay ang mga nagmamahal pa rin sa akin,” anang Superstar. May nakatakda naman umanong gawing pelikula si Nora starting next month.

Sinabi naman ni Matet de Leon na sa kanyang pakikipag-usap sa ina na isang prior commitment ang dahilan kung bakit hindi pa siya makauwi ng bansa. “Kailangang may a-attend-an na event na parang may kailangang ayusin doon (sa Amerika) before siya tuluyang umuwi dito.”

Dagdag pa ni Matet, ngayong nanay na raw siya ay mas nauunawaan na niya si Nora lalo pa’t dati ay laging nagkakaroon ng tampuhan ang mag-iina. Sobrang thankful daw niya dito sa pagtuturo sa kanila ng mabuti upang lumaking maayos.

Sinang-ayunan naman ito ni Nora na sinabing wala silang alitang mag-iina kundi tampuhan lamang. “Tampuhang nanay-anak lang pero ang puso, ang pagmamahal andun pa rin, ‘di nawawala,” aniya.  

Sobrang thankful naman si Nora sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng kanyang mga fans. Hindi man niya sinabi kung kailan talaga siya babalik ng bansa, abot-abot naman ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanya. “Maraming maraming salamat po sa lahat ng kapamilya na hanggang ngayon po ay andyan sila, lalong-lalo n a po ‘yung mga tagasubaybay natin. ’Yung pagmamahal mararamdman mo pa rin kahit anong nangyari, kahit anong tsismis ang naririnig nila at nababalitaan nila, andyan pa rin sila. Maraming maraming sa salamat sa buong at suporta na pagtatanggol.