• Home
  • Fresh Scoops
  • Maria Aragon wants to raise funds to help send poor Filipino children to school

Maria Aragon wants to raise funds to help send poor Filipino children to school

The young aspiring singer says that she strives to be level-headed despite all the attention that she is getting.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/24/2011 11:12 PM
Maria Aragon wants to raise funds to help send poor Filipino children to school


072411-maria-main.jpgNa-experience ng Yotube sensation na si Maria Aragon kung gaano ka-hospitable ang mga Pinoy sa kanyang pagdating sa bansa. “I feel very blessed and I wanna say thank you to everybody for your support,” sambit ng 11-anyos na bata sa guest appearance niya sa The Buzz nitong July 24.

Kamakailan lang ay pumirma na ng kontrata ang Fil-Canadian aspiring singer with Star Records at ginagawa na niya ngayon ang kanyang album. Kabilang daw sa kanyang album ay ang “Born This Way” ni Lady Gaga, ang parehong kanta na nagpasikat kay Maria via Youtube. Gagawa rin daw siya ng version ng isang kanta ni Lea Salonga na siyang magiging theme song ng isang pelikula from Star Cinema.

Sa ASAP Rocks din kahapon ay nag-perform si Maria kasama si Sarah Geronimo na talagang ikinatuwa niya. “It was an experience especially to get to sing with the one and only Sarah Geronimo. She was really nice and she was amazingly talented and it was such a blessing and honor that everybody welcomed me at ASAP,” paliwanag niya.

Ibinahagi rin ng dalaga ang pinakamagandang advice para sa kanya. “You should always stay grounded. I’ve been through a lot but the thing is you should always stay grounded and I don’t wanna be big-headed and I always stay with God and I always pray with my family every night and always be grateful with what I have because a lot of kids don’t have what we have. We are very privileged to have what we have.”

Involved din ngayon ang bata sa isang charity drive na naglalayong kumalap ng pondo para mapag-aral ang mga mahihirap na bata. Ikinuwento ni Maria sa interview niya with KC Concepcion sa The Buzz na naiyak recently dahil naantig kanyang damdamin nang makita ang mga batang lansangan. “(It) doesn’t normally happen in Canada but obviously I wanna make a change and hopefully I can influence others to make a change too.”