• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano explains the issue that he and Jennylyn Mercado were caught doing PDA

Luis Manzano explains the issue that he and Jennylyn Mercado were caught doing PDA

The actor-host stresses that he and Jennylyn Mercado are not yet a couple although they are still dating.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/24/2011 10:58 PM
Luis Manzano explains the issue that he and Jennylyn Mercado were caught doing PDA


072411-luis-main.jpgKahapon ay inilabas sa The Buzz ang interview kay Luis Manzano upang sagutin ang mga bali-balitang nagkaroon daw sila ng matinding public display of affection o PDA ni Jennylyn Mercado kamakailan. Ipinalabas din kahapon ang video na nagpapakita ng paghahatid ni Luis kay Jennylyn sa kanyang van na hinawakan sa likod at humalik.

Nakuhanan daw ang video noong July 19, araw ng taping ng Pilipinas Got Talent sa AFP Theater. Sa interview kay Luis, hindi naman niya itinanggi na bumisita nga noon si Jennylyn. “Meron lang inihatid sa akin si Jen at nagkataon lang na since nandun naman siya, kilala naman niya sina Billy (Crawford), pinilit ko na siyang bumaba just to say hi man lang,” kuwento ng actor-host.  “Pinilit ko na siyang bumaba just to say hi not even more (than) 5 -10 minutes. Pumasok siya within the area pero sa mismong studio hindi talaga.”

Gayunpaman, itinanggi ni Luis na nagkaroon sila ng PDA ni Jennylyn. “One thing kasi ‘di po kami nagpi-PDA. Siguro if I help a lady up ‘yung rampa sa likod, of course I have to hold the lady, baka iniisip nila PDA agad ‘yon, aalalayan mo ‘yung likod o aalalayan mo paakyat.”

Sa isyu namang nakunan umano silang naghahalikan, buwelta ni Luis, “Well, if you consider beso (kissing), common sense, eh, hindi ko siya ilalalagay sa ganong predicament. Kung may PDA, ang usapan sana kaming dalawa na lang ni Billy kasi mas malambing kami ni Billy, on cam pa ‘yon ah. So sana mas ma-isyu kami ni Billy.”

Dagdag pa niya wala pa silang relasyon ng aktres pero nagdi-date pa rin sila. “Hindi ho kami. I don’t see the point of covering up and I’m not gonna expound on things. Ang pakiusap ko naman I’ll only answer things na nasagot ko na dati or at least defend the person dahil sa mga lumabas na sobrang PDA and all that kaya ako nagsasalita ngayon.”