• Home
  • Fresh Scoops
  • Amanda Coling still undecided in filing charges against Azkals members

Amanda Coling still undecided in filing charges against Azkals members

The controversial sexy model explains that she does not want to hurt anyone but she does not want to lie either.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/24/2011 11:25 PM
Amanda Coling still undecided in filing charges against Azkals members


072411-amanda-main.jpgNagpaunlak ng exclusive interview si Amanda Coling kay Boy Abunda na inere sa The Buzz nitong Hulyo 24. Dito ipinakilala ng kontrobersyal na babae na siya ay simpleng babae na galing sa payak na pamumuhay at ngayon ay single mom. Sa kabuuan, wala pa ring malinaw na plano si Amanda kung magsasampa ba siya ng kaso laban sa apat na Azkals members na diumano’y pinagsamantalahan siya.

Kasama ni Amanda ang kanyang legal adviser na si Atty. Apollo Sangalang sa pagsagot sa mga tanong ng King of Talk. Nang diretsang itanong ni Boy kung sino ba ang nang-abuso at inabuso sa nasabing isyu, ang abogado ang sumagot para kay Amanda. “May legal na aspeto ang kwento ni Amanda. Ang sabi niya kailangan pa niya ng panahon. Advice ko sa kanya huwag ilantad ang nangyari kung ‘di siya disidido (dahil) may mga tao na masasagasaan.”

Ipinaliwanag rin ni Amanda na ayaw niyang makasakit sa nangyari pero ayaw rin niyang magsinungaling. Paliwanag niya, apektado ang mga magulang ng mga diumano’y suspek na sina Jason Sabio, Neil Etheridge, Anton del Rosario at Simon Greatwich.

Dumating din daw sa punto na sobra siyang nagalit pero pinili niyang manahimik. “At some point galit na galit na galit na galit po talaga ako but then di ako lumabas kahit na galit na galit ako, ano’ng laban ko? Sino’ng maniniwala sa akin,” himutok niya. “More than one month nananahimik ako, wala akong inakusahan, wala akong sinabihan ng masama.” Depensa pa ni Amanda, sino ang gustong sumikat kung masisira naman ang kanyang reputasyon. “Nai-imagine ng mga tao na finutball daw ako ng mga lalaki.”

Dagdag pa ng abogado ni Amanda napilitan lamang daw ang kanyang kliyente na lumantad sa publiko.  “Hindi pa niya gustong magsalita, napwersa lang siyang magsalita dahil sa mga pressure ng media at dun sa pagkawala ng kanyang trabaho at pinapangalanan siya ng walang pahintulot, so kailangan niyang magsalita na.

Nang tanungin ni Boy ang kampo ni Amanda kung may nangyari ba umanong pang-aabuso noong Hunyo 2, ang sagot lamang ng abogado, “May nangyari.” 

Ikinuwento rin ni Amanda na una niyang nakilala si Simon at si Neil noong 2009. Matagal na raw siyang niyayaya ni Simon sa kanilang probinsiya sa Magallanes at nangungulit sa text at base sa kanyang mga pahayag ay dumidiskarte sa kanya ang Azkals member.  

Si Anton naman ay nakikita na niya sa mga gimikan pero hindi niya alam na player pala siya ng Azkals team at nakilala lang noong June 2 (kung kailan daw nangyari ang diumano’y pang-aabuso) pati na rin si Jason.

Sa tanong kung ano ang plano niya sa itinatakbo ng isyung ito, sagot ni Amanda, “Right now talaga ‘di ko kailangan ng ekstrang… kailangan kong gawing extra responsibility (ang issue) right now, I just wanna live my life, let me.”