Does Paul Jake Castillo have ill feelings toward Sam Pinto?

Paul Jake Castillo comments on Sam Pinto's decision to switch networks.

BY NAPOLEON QUINTOS

FRESH SCOOPS

7/21/2011 8:50 AM
Does Paul Jake Castillo have ill feelings toward Sam Pinto?


072111-pauljake_main.jpgMuling nagkita sa isang public event sina Paul Jake Castillo at Sam Pinto nang dumating sila kasama sina Tibo Jumalon at Carol Batay sa celebrity screening ng The Adventures of Pureza: Queen of the Riles. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, parehong produkto ng Pinoy Big Brother Double Up kung saan din nakilala sina Paul Jake, Sam, Tibo, at Carol.

Bukod kina Melai at Jason, isa ring kinagiliwang love team sa Bahay ni Kuya ang kina Paul Jake at Sam. Matapos ang reality show, ipinagpares sila sa Your Song presents Isla na pinagbidahan ni Gerald Anderson. Pero hindi na ito nasundan ng iba pang proyekto, hanggang tuluyan nang lumipat ng network si Sam na ikinalungkot ng maraming fans ng kanilang tambalan ni Paul Jake.

Sa pakikipagusap ng Push.com.ph kay Paul Jake sa nasabing movie screening, sinabi niyang wala naman siyang sama ng loob sa nangyari, lalong-lalo na sa desisyon ni Sam na lumipat ng istasyon. Parang ang dating kasi ay imbis na mai-promote nang todo ang kanilang tambalan gawang maraming fans ay agad itong nabuwag at tila naiwan si Paul Jake sa ere.

Pero paglilinaw ng binata, nirerespeto niya ang desisyon ni Sam para sa sarili niyang showbiz career. Sa kabila ng nangyari, ayon kay Paul Jake, nanatili naman silang friends ni Sam. “Wala namang sama ng loob. We still have contact. Everything’s good as of now.”

Ikinuwento rin ni Paul Jake na kahit lampas isang taon na ang lumipas nang matapos ang PBB Double Up ay nananatili pa rin silang friends ng ibang ex-housemates partikular sina Melai at Jason. “We still communicate and if may time we all go out. Pero lately sobrang busy nung dalawa kaya madalang na kami magkita kita.

Bilang kaibigan ay sobrang ipinagmamaliki ni Paul Jake ay tinatamasang tagumpay ng ‘Melason’ love team lalo na ngayon nabigyan na sila ng pagkakataong magbida sa isang pelikula. “It’s very uplifting na panoorin sina Melai and Jason na umaarte sa big screen. Sobra silang nakakatawa. I’m very proud na nakasama ko sila sa PBB, sabay-sabay kaming lumabas and ngayon nagbibida na sila sa pelikula. Nakakatuwa.”

Huling napanood si Paul Jake sa Precious Hearts Romances presents Alyna kasama sina Shaina Magdayao at Jason Abalos. Kwento ni Paul Jake ay wala pang nababanggit sa kanya ang ABS-CBN kung ano ang susunod niyang proyekto. “I’m just waiting kung ano ang magiging plano nila for me, sa amin. I’m doing good naman.”

Habang naghihintay ay abala naman siya sa kanyang sariling business at madalas ay pabalik-balik siya sa Manila at Cebu, ang kanyang hometown.