Young actress, super chismosa!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

7/19/2011 12:00 AM
Young actress, super chismosa!


071911-blinditem.jpgMalaki na talaga ang ipinagbago ng isang mahusay na young actress. Mahirap na itong pagkatiwalaan dahil sa kanyang pagiging madaldal at chismosa. Ito ang madalas na nagkakalat ng balita sa kapwa niya artista.

Kung kailan nagkaroon ng boyfriend ang young actress, tila doon pa ito naging ireponsable. Though hindi naman nila inaamin ang kanilang relasyon. 'Tulad na lamang sa kontrobersyal issue ng isang co-star niyang aktres. Kahit hindi tinatanong ay ito pa ang nagkukumpirma ng balita.

Marami pang isyu na sa young actress nanggagaling ang balita.

Kaibigan ng young actress ngayon ang isa pang sikat na young actress. Hangad ng mga nagmamahal sa young actress na hindi ito matulad sa super chismosang young actress.