• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez refuses to allow her daughters to spend time with their father abroad

Ruffa Gutierrez refuses to allow her daughters to spend time with their father abroad

The actress host explains that she has to work harder in protecting her kids, Lorin and Venice, when it comes to family issues.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/17/2011 9:27 PM
Ruffa Gutierrez refuses to allow her daughters to spend time with their father abroad


071811-ruffa-main.jpgSa The Buzz kahapon ay iniulat ang kasalukuyang pinagdadaanang hamon ni Ruffa Gutierrez. Ito ay ang tungkol sa balak umano ng dati niyang asawa na si Yilmaz Bektas na makuha ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice. Sa desisyon kasi ng Quezon City Regional Trial Court noong Marso ng nakaraang taon ay ibinigay na kay Ruffa ang sole custody ng kanyang mga anak habang si Yilmaz naman ay nabigyan ng visitation rights.

Recently ay nakipag-ugnayan umano si Yilmaz sa ilang entertainment press upang ipahayag ang kanyang saloobin hinggil sa desisyon ng korte. Hindi umano masaya ang Turkish businessman sa kinalabasan ng desisyon at nagtatanong kung bakit ganon ang kinalabasan ng desisyon ng korte gayong hindi siya nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili. Sinabi pa ni Yilmaz na regular naman umano ang sustentong ipinapadala niya at minsan pang inalok si Ruffa ng $2 milyon para makasama lamang ang mga anak nito sa Amerika pero hindi pumayag ang actress-host. Regular din umano ang komunikasyon ni Yilmaz sa mga anak at kay Ruffa.

Hindi naman itinanggi ni Ruffa na nag-alala siya nang malaman niya sa mga kaibigang press ang hinggil sa pakikipag-ugnayan ng dating asawa sa kanila. Nakausap naman daw agad niya si Yilmaz at nagawang maayos ang gusot. “I tried to pacify him and thank God naman naagapan at ‘yung mga binabalak niya hindi natuloy,” ani Ruffa. “I’d like to keep everything quiet at kung pwedeng protektahan ang mga anak ko gagawin ko.

Mas doble raw ngayon ang dapat gawing pag-iingat ni Ruffa sa mga anak dahil marunong nang magbasa ang mga ito at pwede nilang mabasa ang mga balita sa dyaryo. “Back then talagang okay lang mag-explain pero ngayon I really have to try to protect them. Nakiusap ako kay Yilmaz at naintindihan naman niya, so hopefully lahat ng balak niyang masama hindi matuloy.”