• Home
  • Fresh Scoops
  • David Archuleta says he is happy to be back in the Philippines

David Archuleta says he is happy to be back in the Philippines

The American Idol finalist looks forward to performing in front of his Filipino fans for the second time.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/17/2011 9:22 PM
David Archuleta says he is happy to be back in the Philippines


071811-david-main.jpgMainit ang pagsalubong sa American Idol Season 7 first runner-up na si David Archuleta ng kanyang mga Filipino fans nang dumating ito sa bansa kahapon. Magkakaroon kasi ng concert si David sa Araneta Coliseum sa Lunes, July 18. Kita naman sa mukha ng AI finalist ang kanyang excitement nang makapanayam siya pagdating sa Ninoy Aquino International Airport. “Hi Philippines and Filipino fans, I’m so happy to be back again,” sabi ni David na all smiles pa sa panayam ng TV Patrol.

Ang unang beses na nag-perform si David sa bansa ay noong 2009 kasama ang American Idol Season 7 winner na si David Cook. Pero sa kanyang pangalawang pagkakataon sa Pilipinas ay solo concert na ang gagawin ni Archuleta.

Pagdating nga sa airport, sa sobrang tuwa ni David ay sumampa pa siya sa ibabaw ng sasakyan para kawayan ang kanyang mga fans bago ito pumasok sa loob ng kotse. “Mabuhay and thank you. I look forward to seeing the fans again happy to be here in Manila again,” nasambit pa ni David.

Ang ilan sa mga napasikat na kanta ni David ay “Something ‘Bout Love,” “Touch My Hand,” “Crush,” “A Little Too Not Over You,” at marami pang iba.