• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Manalo on possible relationship with John Prats: 'Tingnan na lang po natin'

Bianca Manalo on possible relationship with John Prats: 'Tingnan na lang po natin'

The former beauty queen downplays claims that she and John Prats are becoming romantic.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/17/2011 9:33 PM
Bianca Manalo on possible relationship with John Prats: 'Tingnan na lang po natin'


071811-bianca-main.jpgTila mas nagiging malinaw ngayon kung anong meron sina John Prats at Bianca Manalo na umamin nang lumalabas pero kasama raw ang kanilang mga kaibigan. Sa report ng The Buzz kahapon, kinwento din ni Bianca ang nangyari noong July 6 sa episode ng Happy Yipee Yehey kung saan isinuot ni John ang isang bracelet sa kanya na lalo pang nagpatibay ng hinala hinggil sa pagkakaroon umano nila ng romantic relationship.

Pero sinabi ni Bianca na wala raw itong ibig pakahulugan. “Kung napanood n’yo ‘yung episode sa Happy Yipee Yehey nung inabot yong bracelet, lahat nag-start ‘yon sa ‘Ikaw Ang Bida (portion),’ ‘yung contestant ang task niya kailangan niyang magbigay ng 10 bracelets sa 10 single na tao. So ang sabi ko single din ako, lagyan din ako, biglang sinabi ni Pratty (nickname ni John) na, ‘Ah gusto mo, o sige sige, sige.’ Nagulat ako nagpunta siya ng studio sinuot niya sa akin. ‘Yun lang ‘yon.

Kaugnay nito ay may nag-post din ng larawan umano ng dalawa na nagdi-date sa isang mall. Iniugnay nila ito sa tweet ng ex-girlfriend ni John na si Rachelle Ann Go na nagsabing may nakita raw siya sa nasabing mall. Hinihinalang nag-krus umano ang landas ng tatlo sa nasabing mall nang hindi inaasahan. Idinagdag pa sa tweet ni Rachelle Ann na what a small world.

Sinabi naman ni Bianca na lumalabas nga sila ni John. “Lumalabas naman po kami talaga. Minsan as a group, kasama ko ‘yung mga friends ko, kasama niya ‘yung mga friends niya ganon. Basta masaya kami sa bawat isa,” paliwanag niya.

Nang usisain pa ang beauty-queen-turned-celebrity kung may pag-asa bang maging sila ni John, ang makahulugang pahayag ng dalaga, “Tingnan na lang po natin.”