Alleged Azkals rape victim speaks up

The Azkals members currently being accused of rape remain firm in saying that they are innocent.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/17/2011 9:38 PM
Alleged Azkals rape victim speaks up


071811-mich-main.jpgHanggang ngayon ay malaking usapin pa rin sa showbiz at sports industry ang pagkakasangkot ng ilang Azkals team members sa isyung pagkakaroon umano ng sex scandal. Kabilang sa mga miyembrong nasasangkot ay sina Anton del Rosario, Simon Greatwich, Jason Sabio at Neil Etheridge na diumano’y pinagsamantalahan ang isang modelo. Ayon pa sa lumabas na bali-balita na unang kumalat sa Internet, nangyari pa umano ang panghahalay sa bahay ng kanilang team manager na si Dan Palami. Pero mariin ang pagtanggi ng mga inaakusahan.

Sinabi ng mga players na naiipit sa kontrobersya na walang katotohanan ang mga akusasyon sa kanila at hindi nila alam kung saan ito nanggaling. “All of these accusations are baseless. Anyway we continue training,” pahayag ni Palami.  

Lumantad din ang pangalan ng dalawang babae na sinasabing isa umano sa kanila ang itinuturong biktima at maugong ang pangalan ni Amanda Coling, isang sexy model. Recently nga na-pull out pa si Amanda sa isang fashion show ng isang men’s magazine kung saan dapat ay lalabas siya. “Last minute one guy told me I’d be pulled out from the show,” sabi ng model sa interview ng The Buzz (pero hindi nagpakita ng mukha.) “Kinausap uli ako ng people from the brand (of the contraceptive she endorses) na I had to be pulled out from the show. I don’t know if I can quote them on this pero they have to protect the brand (daw).”

Idinagdag ng itinuturong victim na wala naman daw siyang ginawang masama kaya nakipag-usap siya sa kanyang abogado para malaman ang susunod na gagawin. “My lawyer advised me not be out in the open regarding the issue until we studied the issue thoroughly including the ramifications,” aniya. Samantala, no comment naman si Amanda sa mga tanong hinggil sa pagkakasangkot niya sa diumano’y “rape” issue with the Azkals.

Ang isa naman nasangkot na pangalan ay ang aktres na si Michelle Madrigal, na mariin din ang pagtanggi na siya ang sinasabing biktima. “I don’t need to defend myself because, hindi naman ako ‘yung nasa issue. I don’t know kung saan lang nanggaling ‘yan,” pahayag ng aktres. “Bigla lang nag-pop out ‘yung name ko and it’s baseless.” Hindi naman itinanggi ng dalaga na kaibigan niya ang mga Azkals members at hanggang ngayon ay lumalabas pa rin sila.

Dagdag pa ni Michelle, “Kung anuman ‘yung lumalabas ngayon it’s all just rumors. Kung anuman ang issue ng Azkals ngayon, issue nila ‘yon.” Sa halip ay nanawagan siya na sana ay suportahan na lang ang grupo lalo pa’t nalalapit na ang kanilang laban sa football team ng Kuwait. “Kung ‘yung ibang tao minamasama nila, iniisyu nila ko I don’t really care. They’re just jealous because I’m friends with them,” matapang na pahayag ni Michelle.