Sarah Geronimo denies that her parents have separated

The Pop Star Princess says her family is not perfect but the issue that her parents have separated is too exaggerated.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/10/2011 11:41 PM
Sarah Geronimo denies that her parents have separated


071111-sarahl-main.jpgPagbalik ni Sarah Geronimo mula sa kanyang bakasyon sa US ay tinadtad na siya ng mga intriga, at isa na nga rito na diumano’y hiwalay na ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin. Nakatira pa rin daw sa iisang bubungan ang mag-asawa pero hindi na umano sila nag-uusap o naghaharap man lang.

Pero mariin itong itinanggi ng Pop Star Princess. “Alam natin ang totoo at alam ng Diyos ang totoo, bakit tayo magpapaapekto?” pagtatanggol ng singer-actress. Dagdag pa niya, hindi na raw bago sa kanila ang mga ganitong isyu dahil lagi namang iniintriga si Sarah at idinawit na rin ang kanyang pamilya. “Matagal na rin kaming binabatikos; ako, ‘yung mommy ko, (at) ‘yung buong pamilya ko naman ngayon (ang idinamay). Basta masaya ako na buhay ang bawat miyembro ng pamilya ko, ligtas kaming lahat sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Hindi ko na pinapansin ‘yung mga negative na komento.

Hindi naman niya itinanggi na nagkakaroon din naman ng mga ‘di pagkakaunawaan ang kanyang pamilya pero sobra naman daw ang isyung nagkahiwalay na ang kanyang mga magulang. “Hindi tayo perpektong pamilya ‘no. Sa bawat tahanan may hindi pagkakaintindihan pero hindi naman kami dumating sa punto na magkakahiwa-hiwalay. Sa awa ng Diyos hindi kami dumating sa puntong ‘yon, and God forbid naman.”

Ilang linggo rin ang itinagal ng Pop Princess sa US dahil doon siya nag-workshop para lalong humusay ang kanyang pagkanta at pagsayaw. Pero sa ASAP Rocks noong Linggo ay muli na siyang na-welcome sa programa para sa kanyang pagbabalik.