• Home
  • Fresh Scoops
  • Phil Younghusband: 'I never thought seven months ago I'd be this happy'

Phil Younghusband: 'I never thought seven months ago I'd be this happy'

The Azkals football star says he does not want to rush into a relationship with Angel Locsin but he is very glad they have become closer.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/10/2011 10:38 PM
Phil Younghusband: 'I never thought seven months ago I'd be this happy'


071111-angel-phil-main.jpgNapaka-sweet nina Angel Locsin at Phil Younghusband sa interview ni KC Concepcion sa The Buzz para sa kanyang segment na KC Exclusives. Kaya siguro mahirap paniwalaan na wala pa silang relasyon ay dahil halata sa mga kilos nila na gusto nila ang isa’t isa.

Recently ay nanalo ang Team Azkals laban sa Sri Lanka at nakadalawang goal si Phil, aniya, ito raw ay inaalay niya kay Angel dahil ang aktres ang inspirasyon niya. “During the national anthem, I was looking for Angel because the seats that were allocated for her, she didn’t sit on those seats so I thought she wasn’t there.” Sinabi naman ni Angel na tumabi kasi siya sa ina ni Phil.  

Sobrang guwardiyado raw si Phil sa bola niya pagdating sa football field at tinanong ni KC kung ganun din ba siya kay Angel. Ang nakatutuwang sagot ng binata, “I’ve known the ball since I was three years old and I’ve known Angel for 5 months and I don’t know, I don’t think she’ll appreciate it if I protect her.”

So far pareho raw silang masaya at masasabi raw ni Phil na mas kilala na niya si Angel ngayon.  

Hindi rin itinanggi ni Phil na mas mahilig siyang mangumusta through text dahil sobrang busy si Angel kapag may taping siya. At kung may free time naman sila ay niyayaya niya ang aktres para makalabas sila. Kung tutuusin nga raw ay minsan pa lang silang nag-date na silang dalawa lang dahil lagi silang may kasama.

Limang buwan na raw ang nakakaraan mula nang magkakilala sila kaya masasabi ni Phil na hindi raw niya ginagamit si Angel para sumikat ito. Sa tanong naman na kung sila na, ang sagot ng football star, “I don’t wanna rush things. And want things to be right and perfect. We are happy at the moment and we don’t want anything to change as we are.”

Dagdag naman ng aktres, “Ine-enjoy lang namin kung anuman ‘yung nararamdaman namin ngayon. ‘Yung happiness very rare lang naman mangyari ito. Ayaw naming magmadali o ma-pressure.”

Malayo rin daw sa inakala ni Phil na magiging ganito siya kalapit kay Angel. “I never thought seven months ago I’d be this happy.” At gusto raw sana niya ay magtagal ang ganitong sitwasyon sa pagitan nila ng dalaga.