• Home
  • Fresh Scoops
  • Mark Gil to the father of Andi Eigenmann's child: 'Panindigan mo 'yun'

Mark Gil to the father of Andi Eigenmann's child: 'Panindigan mo 'yun'

The veteran actor says that he is still willing to forgive the alleged father of his daughter's baby as long as he apologizes from his heart.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/10/2011 11:53 PM
Mark Gil to the father of Andi Eigenmann's child: 'Panindigan mo 'yun'


071111-mark-main.jpgIsang tell-all interview ang ginawa ni Mark Gil, ang ama ni Andi Eigenmann, sa The Buzz. Inilabas ng beteranong aktor ang lahat ng kanyang saloobin hinggil sa kanyang anak na buntis ngayon ng limang buwan pero hindi pa inaako ng napapabalitang ama daw nito,  si Albie Casiño.

Kuwento ni Mark, saludo siya sa anak nang malaman niya sa dating partner at ina ni Andi na si Jacklyn Jose na nagdesisyon umano si Andi na bubuhayin niya ang dinadala. At bilang ama ng aktres, gagampanan daw ni Mark ang tungkulin niya dito. “Hindi ako naghihimasok sa mga buhay ng mga anak ko kasi kilala ko sila and kilala din nila ako, I don’t go into details ang akin lang, titingnan lang kita. How do you feel about it, are you okay? If you say no, I will find… in any way, what I can to do help. But if you say, I am okay, I will watch you and I will always be there.”

Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan si Andi at madalas daw silang magka-text at laging ipinapahayag niya sa anak na nasa tabi lang siya lagi nito.

Nang itanong ni Boy Abunda kay Mark kung galit ba si Andi sa pinagdadaanan niya ngayon, ang pahayag ni Mark ay, “I believe she’s going through it now, and I can’t really speak much because hindi naman siya lumaki sa akin. Like I said, I’ve always been there only when I’m needed.” Ikinuwento rin ni Mark ang kanyang naramdaman nang una niyang mabalitaan ang isyung pananampal umano ni Albie. Ipinabasa raw sa kanya ng asawang si Maricar ang mga posts ni Albie sa social networking site na Formspring. “This boy has a big problem. Ang nakita ko sa kanya siguro ‘yung ako noong araw. This guy has a lot of anger,” kuwento ni Mark.

Nung marinig daw niya ang issue ng pananakit ay sinikap raw niyang makipag-ugnayan sa batang aktor pero hindi siya pinaunlakan nito. Pakiramdam daw ni Mark ay naloko siya dahil tinanggap daw nila ang binata sa pamilya at nakasama pa sa ilang family events.  “Hindi lang ang sitwasyon ni Andi (ang pagbubuntis nito) ang problema ngayon. Itong taong ito, ang pangit ng ugali niya. I feel deceived kasi nung gulpihan issue na sinasampal-sampal daw siya tapos meron pang nangyari pa sa Greenbelt in public daw… she’s my daughter. ‘Wag naman. Not just my daughter, she’s Andi Eigenmann. Agua Bendita, star, my daughter. My daughter doesn’t deserve it,” himutok ng veteran aktor.

Kung may mensahe man daw siya sa young actor, ang tugon ni Mark, “You know what, boy, stand up. Stand up.” Ibinahagi pa ni Mark na siya ay naging ama na sa anak na si Gabby Eigenmann noong 16-anyos pa lang siya pero pinanindigan niya ang pagiging ama. Hindi raw niya tinalikuran ang kanyang mga naging anak. “Panindigan mo ‘yon. Konsensiya,” mensahe ni Mark sa 17-anyos na aktor. “We’re not asking anything from you, boy. I just hope your parents teach you well. Do you have parents? What kind of parents do you have? Nanggugulpi ka ng bata, ng babae? ‘Di ka man lang pinangaralan? Tapos ngayon palalabasin n’yo pa, ‘We are happy and we are willing to have a DNA test?’ Come on! That’s enough, the insult. Do you think we’re tough? No we’re not. But all we ask, aminin mo, tanggapin mo. But we don’t need you. Hindi na namin kailangan ng ama ng anak ni Andi kasi andami niyang tatay; ako, the whole Eigenmann clan and also the other side, sa mommy side, maraming ama ang anak niya.” 

Idinagdag din ni Mark na marami raw siyang alam na hindi niya maidetalye pero naibulalas niya na pinainom pa raw ng ama ng anak ni Andi ng abortive pills. Halatang galit ang aktor sa paratang ni Albie sa Formspring na playgirl ang kanyang anak dahil hindi raw deserve yon ng aktres.

Ipinagtanggol din niya ang isa pang lalaking na-link kay Andi na si Jake Ejercito at sinabing inalagaan niya s