• Home
  • Fresh Scoops
  • Did Maricel Soriano flee to Europe amidst the current controversy she is facing?

Did Maricel Soriano flee to Europe amidst the current controversy she is facing?

The two complainants against the Diamond Star say that they are willing to have an agreement with the actress if she agrees to talk to them in person.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/10/2011 10:42 PM
Did Maricel Soriano flee to Europe amidst the current controversy she is facing?


071111-maricel-main.jpgIbinalita sa The Buzz na may natanggap silang unconfirmed reports na lumipad patungong Europe ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Ito ay sa gitna ng mga paratang sa kanya ng kanyang dalawang dating katulong  ng verbal at physical abuse. Ito ang pinakahuling development sa kabila ng tumitinding issue ng umano’y pang-aabuso ng aktres sa mga dating kasambahay.

Nagkaroon ng hinalang ganito matapos hindi sumipot sa barangay hall sa Poblacion, Makati City noong Hulyo 5 ang Diamond Star sa first hearing ng reklamo sa kanya ng mga dating katulong na sina May Cachuela at Camille Acuedo.

Naibalita dito sa Push.com.ph kamakailan na tinawagan pa umano sila ng assistant ni Maricel na si Inday Castillo upang makiusap sa dalawa na aregluhin na lang nila ang di pagkakaunawaan. Tumango umano si Inday at magkikita dapat sa first hearing pero hindi ito sumipot. Pagkatapos kasi ng ikatlong hearing at di pa sumipot si Maricel o ng kanyang mga representative ay maaari na siyang sampahan ng kaso ng mga nagrereklamo.
Sinabi rin ni May na hindi sila makikipag-areglo dahil sa tindi umano ng pinagdaanan niyang pisikal at verbal abuse mula sa aktres. Matindi umano sa kanya ang epekto ng ginawa ni Maricel.

Idinagdag pa ng dalawa na puwede silang makipag-ayos kung personal daw na haharap sa kanila ang aktres. “Gusto lang namin siya makaharap sa next hearing po [para] makipagayos at makipagusap. Naniniwala ako na mabibigyan ng hustisya kung talagang haharap po siya.”

Naging kontrobersyal din ang sinabi ng dalawa nang sinabi nilang gumagamit diumano ng cocaine ang aktres na tila nagpalakas sa mga ispekulasyon noong mga nakaraan na gumagamit umano ng ipinagbabawal na gamot ang aktres.