Alakim mourns the loss of his unborn child

The magician of PGT fame asks for the public's prayers for the soul of his baby and for his wife's recovery.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

6/9/2011 8:04 AM
Alakim mourns the loss of his unborn child


060911-alakim_main.jpgLunes nang magsimulang kumalat ang balitang namatay na diumano ang asawa at anak ng Pilipinas Got Talent Season 1 finalist na si Alakim. Agad namang nilinaw ng celebrity magician ang nasabing issue. “Yung nagkakalat sa Facebook na yung wife ko at anak ko wala na, hindi po totoo yun, yung anak ko lang. Mali yung kumakalat sa Facebook, ‘di po totoo yun, yung anak ko ang nawala na, ngayon nagdadasal kami para sa kaligtasan ng mama niya,” emosyonal na pahayag ni Alakim.

Biyernes nang mapansin ng asawa ni Alakim na parang hindi na kumikilos ang pitong buwang sanggol sa kanyang sinapupunan. Hanggang sa napag-alamang namatay na ang bata na ipinagbubuntis ng asawa ni Alakim. “Sabi ng doktor, kailangan tanggalin na, baka malason na yung mommy, nung tinanggal na siya, CS siya, nakita ko yung baby, the more na naalala ko iba, baby boy, seven months, healthy, malaki, tapos buong-buo. Umbilical cord, pumulupot. That was a super rare incident sabi nila. His name is Paul Allen, ngayon mawawala na si Paul Allen, masakit,” naiiyak na kuwento ni Alakim.

Yung nabuong pangarap para sa kanya, yung mga plano para sa kanya wala na kaya masakit. Sa buhay ng ibang tao, nawalan ka ng pangarap at plano, para akong sumabog. Baby, angel ka na namin ngayon, gabayan mo yung kuya mo, mama mo at ako,” mensahe ni Alakim sa kanyang baby.

Hinihiling ngayon ni Alakim na sana ay maging mabuti na ang kalagayan ng kanyang asawa na nasa ospital pa rin sa kasalukuyan. “Ngayon, sana magtuluy-tuloy na yung kalagayan niya. Malakas naman, sana kaya niya, malakas naman siya eh, kaya niya yun. Maging matatag, kasi kapag naging strong kaya mong lumaban eh. Naawa na ako sa pain na nararamdaman niya, alam ko nahihirapan na siya. Sana tiisin niya lahat para sa akin, para sa panganay naming anak,”  mensahe ni Alakim para sa kanyang asawa.