• Home
  • Fresh Scoops
  • Phil Younghusband dumped Angel Locsin and has a new girlfriend?

Phil Younghusband dumped Angel Locsin and has a new girlfriend?

The Azkals player is said to be seeing an ex-girlfriend of actor Matteo Guidicelli.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

6/8/2011 8:31 AM
Phil Younghusband dumped Angel Locsin and has a new girlfriend?


060811-phil_main.jpgNoong Linggo ay nakabalik na sa bansa si Angel Locsin mula sa international screenings ng pelikulang In The Name Of Love sa America. Balita namin ay mayroon daw special pasalubong ang aktres sa Azkal player na si Phil Younghusband. “Candies and sweets, things like that,” maikling pahayag ni Phil.

Ngayon ay busy na si Angel sa kanyang bagong project at todo na rin naman ang ginagawang paghahanda ni Phil para sa susunod na laban ng team Azkals. Kahit may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan ay may panahon pa rin naman daw sila sa isa’t isa. “She’s very supportive, she knows football is my priority. So whenever we can communicate, we will,” dagdag pa ni Phil.

Samantala, habang nagkakamabutihan na sina Angel at Phil ay pumutok naman ang balitang may girlfriend na raw ang Azkal striker. Ex-girlfriend diumano ni Matteo Guidicelli ang babaeng tinutukoy at ang pangalan nito ay KC. “No, I don’t know who KC is. I don’t know anything about it,” matipid na sagot  ng binata.