• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai Delas Alas says her project with Vic Sotto is a dream come true

Ai-Ai Delas Alas says her project with Vic Sotto is a dream come true

The comedienne says she can't wait for their filming to begin.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

6/8/2011 8:29 AM
Ai-Ai Delas Alas says her project with Vic Sotto is a dream come true


060811-aiai_main.jpgKung noon ay palaging magkalaban ang mga pelikula nila sa annual Metro Manila Film Festival, ngayong taon ay magsasama na sina Vic Sotto at Aiai Delas Alas sa isang higanteng proyekto. Magsasanib pwersa ang Star Cinema at M-Zet Productions para sa pelikulang gagawin nina Vic at Aiai.

“Dream come true, wish come true saka answered prayer na makasama si Bossing finally sa isang movie. Sabi ko last year, sana next year hindi na kami magkalaban, magkakampi na kami,” nakangiting pahayag ni Aiai.

Minsan nang nagkasama sa isang sitcom sa GMA sina Vic at Aiai at mula noon ay hindi pa sila nabibigyan ng chance na magka-trabaho muli kaya matagal na raw talagang pinapangarap ng comedy queen na muling makasama si Bossing Vic. “Oo! Sobra kasi idol ko nga iyan, saka si Bossing nakakatawa yun, nakakatawa kasama. Siyempre first time part 2, part 3, part 4 ito,” dagdag pa ng aktres.

Sinisiguro raw ni Aiai na dobleng saya at katatawanan ang ihahatid nila ni Vic sa kanilang mga tagahanga sa pelikulang gagawin nila. “More fun, lahat ng makakapagpasaya sa tao gagawin namin ni Bossing,” pagtatapos ng Comedy Queen.